Special Ending Chapter Part 1

32.4K 648 26
                                    




Biglang nagvibrate ang phone ko sa bag ko. Nagulat ako at agad kong binuksan yun.

Sms from: Vlad my Love<3

Where are you love? I'm here now.

Nagulat ako sa nabasa ko. Lumingon ako bigla sa paligid ko. Nasaan sya?

Napatingin ako sa likuran. Nakita ko syang kumakaway, napangiti ako. Kumaway ako pabalik. Sumenyas sya ng I love you at syempre kinilig naman ako.

Bumalik ako sa pagkakaupo.

"Andyan na sya.." sabi ko kina Yanie at Jelly.

"Ayos!

Natawa ako. Maya maya tinawag na ang pangalan ng Magna Cum Laude at nagbigay ng speech. Tahimik lang kami at nakikinig.

Tinawag si Jericho na Summa Cum Laude. Kaklase namin. Kinawayan nya kami habang papaakyat sa stage. Medyo joker kasi yun at isa sa mga nakasundo ko simula first year. Mabait pa at gwapings.

Nabanggit nya sa speech nya about sa mga kaibigan na nakilala nya. At tumingin sa amin. Matapos nya magsalita nagpalakpakan kami. Muli syang tinawag ng MC at inabutan ng isang plaque. Kasama nya sa pag abot ang Dean namin at si Sir Jacob.

Nakita kong bumaba si Jericho. Muling nagsalita ang MC at tinawag na ang pangalan ko. As Cum Laude.

"Si Aly? Cum Laude?" tanong ni Vlad kay Aries. Tumango lang ito at ngumiti.

"Hindi mo iniexpect?" tanong ni Aries sa kanya.

Tumango lang si Vlad.

"Yan ang bunga ng paghihigpit mo sa kanya.

Natawa si Vlad. Pinanood nilang umakyat si Aly ng stage. Hanggang sa magsimula ito magsalita.

"Hello and congratulations to all graduates like me." at medyo natawa ako sa sinabi ko at first time ko magspeech."I'm Ma. Alicia Yuson from the section 4-A advisory class of Mr. Vladi-" mali ang nasabi ko, nasanay ako na sya ang adviser namin." Sorry. Umm- Ang masasabi ko lang po sa atin lahat na naririto , mga kapwa ko estudyante, mga kaklase, kaibigan at mga magulang. Salamat sa pag gabay sa amin sa 4 na taon at sa patuloy na pagsuporta sa amin. Sa pagtatapos namin ito palang ang simula ng buhay namin, wag sana kayo mag sawa. Salamat din sa mga magulang ko, mga kaibigan ko at-"napaisip ako bigla kay Vlad. "At pati sa taong pinakamamahal ko.. Salamat sayo sa walang sawa mong pagtatyaga sa akin at pag gabay kahit na hindi ko naappreciate agad yun.

Napatingin ako kay Vlad na nakatingin din sa akin.

Tumayo si Pres. De Jesus at ibinigay sa akin ang plaque. Kasama ko si Mama at Papa na tinanggap yun. Matapos nun sabay sabay kaming bumaba ng stage.

"The next speaker will be our guest of honor.. May I call Mr. Vladimir John E. Gonzales..

Nagulat ako sa narinig. Sya ang guest of honor? Paano nangyari yun?

Pinagmasdan ko sya sa pagtayo nya sa upuan at pag akyat nya sa stage. Napansin kong natatawa si Sir Aries na katabi lang nya. Nagtaka ako bigla. Planado ba nila ito?

Nagsalita sya.

"This won't be a long speech. When I was a kid I've been dreaming to be my father. Not as an attorney. Nor a successful man. But being a good father and a partner to his wife. Pero hindi ko alam na hindi pala yun ganun kadali na kailangan mo lang mag aral para makapasa sa exams, ipasa ang bar exam para maging lisensyado. Isa yun bagay na hindi pinag aaralan dahil iyun ay taglay ng isang tao. I was a rude and "terror" professor as my students called me. I've been cold and distant myself to everyone. But change do really exist. And I changed now. For the better..
Thanks to the girl who made it possible.

At ngumiti sya. Nagpalakpakan ang mga tao. Pati ako pumalakpak din at tumayo. Nangingiti ako sa mga narinig ko. Maiiyak o matutuwa.
Nakita ko syang bumaba ng stage. Gusto ko syang yakapin ng mga oras na yun. Gustong gusto ko na.

Nagsimula na kaming tawagin para lumakad at ibigay ang mga diploma. Kasama ko sina Papa at Mama habang papaakyat sa stage para tanggapin ang diploma at medalya ko. Nararamdaman kong nakatingin lang sa akin si Vlad.
Magkakasabay kami nila Jelly at Yanie. Kasunod lang namin si Drake.

Pagkabigay sa akin ng diploma ko at pagkasabit sa akin ng medalya ko. Kinuhanan kami ng litrato ni Allen.
Nagtagal din ng halos 1 hour ang pagbibigay ng mga diploma, certificates at medals. Medyo naboboring na din ako sa upuan ko. Hindi na ako makapaghintay na yakapin si Vlad.

"Congratulations again to everyone who received their diplomas and awards.! "said Dean at pinatayo kami.

Closing remarks na. Nagbigay lang ng maikling mensahe si Dean at tinapos nya na ang programa. As usual yun pangarap namin gawin na ihagis ang mga sumbrero namin eh nagawa na namin. Niyakap ko sina Jelly, Yanie at Drake. Halos maluha ako habang kayakap ko sila.

"Mamimiss ko kayo!" said Jelly na umiiyak na. Natatawa naman si Drake.

"Oo na. Mamimiss ka namin." said Drake. Hinampas sya ni Jelly.

"EXCUSE ME! I JUST WANT TO SAY SOMETHING BEFORE THIS PROGRAM ENDS.

Nagulat kaming lahat sa boses na nagsalita sa microphone sa stage. Nakita ko si Vlad. At halos lahat ng estudyante at bisita napalingon sa kanya.

"Vlad?

"I'm sorry. I just want to say something for Aly.

Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya habang nakatayo sya sa may stage at nagsasalita.

"Mabilis lang po ito. Kinakabahan po kasi ako." at natawa sya. Natawa din ako.

"Ms. Alicia Yuson! Can we make an agreement?

Nagulat ako. Agreement? Bigla syang huminto sa pagsasalita at may kinuha sa bulsa.

"Can you accept my offer to be my lifetime partner, be the mother of my kids, and to be my wife for the better and for worst..

Bigla akong nanginig sa narinig ko.. Nagpopropose sya at hindi sya nakaluhod .. Nagpropose sya sa harap ng mga tao , dinig ng mga kaklase ko at mga professors.?

"Can you please step here in front of the stage if you accept my offer?" dugtong pa nya.

Bigla ako tinulak nila Drake, Jelly at Yanie papunta sa harapan. Nakatoga pa ako.

"Oo na daw!" sigaw ni Jelly.

Tinulak nila ako hanggang sa makarating ako sa harap ng stage. Nakatingin sa amin lahat ng tao. Hindi ko alam kung mahihiya ako o matatawa.

"Aly!" tawag sa akin ni Vlad ng makita nya ako.

"Love.." dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"It means pumapayag ka?" tanong nyang muli.

"Love.. Alam mo naman ang sagot ko. Kahit na hindi mo ako tanungin. Alam mo ang isasagot ko. Oo.. OO!

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"OO VLAD!" naluha ako habang yakap sya.

"I love you.." bulong nya at hinalikan ako sa noo.

Nagpalakpakan ang mga tao at bigla ako nahiya. Bigla ako hinawakan ni Vlad sa kamay.

"Huh?

"Lets go!

Nagulat ako. "Saan tayo pupunta?" agad kong tanong.

"Church. "sagot nya at ngumiti na pagkapilyo. Hinila nya ako pababa ng stage.

Sumunod sa amin sina Mama at Papa ganun din ang mga kaibigan ko. Pati sina Sir Aries at Sir Jerald na andun din pala?

"Sure ka now na?" tanong ko ulit kay Vlad habang papalabas kami ng auditorium. Nagsisigawan ang mga kaklase ko at binibigyan kami ng daan.

"Papatagalin ko pa ba?" tanong nya pabalik sa akin. Napataas ang isang kilay ko.

Grabe! Isang araw lang ako'ng engaged? Ang daya naman!!

----

ENJOY READING AND THANKS FOR VOTING :)

A'sNOTE:
Sorry po sa late update guys super busy :)

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon