Chapter 61

30.2K 553 7
                                    



Ilan araw na ang lumipas after matapos ang 1st sem. Damang dama ko na ang pasko at syempre ang pagtatapos ko.
Tinulungan ako ni Vlad na maghanap ng papasukan para sa OJT. Sa dami ba naman ng kakilala nya na may accounting firm madali ako nakahanap ng mapapasukan at mababait pa ang mga tao. Swerte ko talaga!

Next next week magsisimula na din ako. Kaya ayun for sure busy ako. Okay lang hatid sundo naman ako ni Vlad. Medyo malayo kasi yun papasukan ko sa bahay. Kaya mas madami kaming quality time.
Mas madaming time para sa lambingan. Pero hindi ko pa din makalimutan ang reaction ni Vlad ng malaman nya na kinuha ni Zach ang number ko. Nag aalboroto sya na parang bulkan kapag tumatawag si Zach o kaya nakikita nya kami na magkausap sa school. Sinusubukan ko sya iwasan kaya lang ayaw talaga. Ang hirap!

"Bru. Saan kayo mag papasko?" nagulat ako sa tanong sa akin ni Yanie.

Nasa bahay kami, at binisita nila ako ni Jelly. Sembreak na kasi kaya ayun watak watak kami. Si Drake kasi may ibang pinagkakaabalahan.

Nasa loob kami ng kwarto at nagkukwentuhan.

"Kami? Balak namin sa Cavite. Kayo ba?

"Ako. Sa amin lang." sagot ni Jelly habang kumakain ng spaghetti na niluto ni Mama.

"Ako, kasama ko si Lola sa Cabanatuan." sagot naman ni Yanie. Laking Cabanatuan kasi si Yanie.

"Kasama mo ba si Sir Vlad?" excited na tono ni Yanie.

"Oo naman. First time nya na kami na makasama nitong darating na pasko.

Nagalak bigla si Yanie sa narinig. Bigla ba naman akong kinurot.

"Aray!

"Malamig sa Cavite.. Baka masundan ." sabay ngumiti na may pagkapilya. Alam ko na yun tinutukoy nya. Hindi na ako huli sa balita.

"Loka. Hmmp!" wari ayoko pero gusto naman.

"May naisip kana ba iregalo?" biglang tanong ni Jelly.

Bigla ako napaisip. Oo nga. Ano nga ba?

"Ano ba magandang iregalo?" tanong ko sa dalawa.

"Yun sarili mo!" pabirong sagot ni Yanie.

"Loka! Hindi pwede." sigaw ko pero may point sya dun. "Kaya lang parang ang hirap kasi mag isip. Lahat naman ata kaya nyang bilhin. "dugtong ko pa.

"Makakaisip ka din. Pwede ba yun hindi mo alam. "said Jelly.

Napaisip ako. Mamaya magkasama kami ni Vlad. For sure makakaisip na ako. Tama!

"Sige. Hahanap ako ng pwede ko iregalo sa kanya.

----

Kinahapunan, sinundo ako ni Vlad sa bahay. Eto na ang first time namin magdate sa mall. Kaya excited ako. Hindi naman ako masyado nagpaganda, jeans at blouse lang ang suot ko.

Narinig ko ang boses nya sa sala. Kaya bumaba na din agad ako. Nakita ko sya naka jeans lang din at shirt. Sobrang simple pero shheemay naman. Ang gwapo pa din nya. Kaasar! Lahat nalang ng suotin nya bagay sa kanya. Kahit ata magdamit babae sya babagay eh.

"Tapos na ako!" patakbo ako pababa ng hagdan. Nakita ko sya kausap ni Mama.

"Hey." ngiting bati nya sa akin. Inabot nya kaagad ang kamay ko at hinawakan itonng mahigpit.

"Aalis na po kami." hinalikan ko si Mama sa pisnge at nagpaalam.

Lumabas kaming dalawa. Then sumakay sa kotseng dala nya.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sya sa pagmamaneho. Ano kaya gagawin namin sa mall? First time nya kaya baka kabahan sya.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now