Chapter 67

26.7K 561 27
                                    



Bisperas na-

Wala pa din ako'ng regalo!! Sigaw ko sa isipan ko habang nakangalumbaba ako sa may bintana. Nasa ibaba si Vlad at tinutulungan ang mga bata sa pagkakabit ng banderitas sa gate.

"Isip! Isip! Ano dapat iregalo kay Vlad." napakamot ako sa ulo ko.

Nakita ko syang kinakawayan ako at ngumiti naman ako.

"Hayss- nakakahiya kung wala ako maibibigay sa kanya mamayang bisperas. Ako lang ang walang regalo para sa kanya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kwarto namin.

Pagkapasok sa kwarto namin nakita ko sa kama ang phone nya. Nagvibrate ito. Mukhang may text or tawag.

Kinuha ko yun at binuksan. Nagtext pala si Sir Jerald.

Tell her Vlad. Macucurious talaga yun.

Nagulat ako sa reply ni Sir Jerald. Binasa ko ang conversation nila.

Vlad: Tinanong nya kasi.

Jerald: Sabihin mo na. Para di na sya magtanong.

Vlad: Should I really need to tell her? Past na kasi yun at nakalimutan ko na yun.

Jerald: She's your girlfriend now. Baka mas matuwa pa yun pag sinabi mo.

Vlad: I'm still confused. Ayaw ko na kasi pa ikwento sa kanya yun dahil ang mahalaga sa akin ay yun ngayon.

Mas lalo ako napaisip kung sino ba yun. Bakit si Sir Jerald? Alam nya ang tungkol dun? Hindi kaya si Veena din? Hindi lang nya nabanggit dahil ayaw ni Vlad.

Nakakainis! Sino ba yun? Bakit ako matutuwa? Bakit ayaw nya pa sabihin!

Sa inis ko nabura ko ang conversation nila ni Sir Jerald. Bahala sya. Ngayon pa sya maglilihim sa akin. Lagot sya sa akin.

----

Buong araw kami nag ayos para sa bisperas mamaya. Halos lahat ng mga anak ni Lolo at mga pinsan ko darating kaya magiging masaya ang pasko slash reunion namin. At syempre kasama ko din si Vlad.

Hawak ko ang biik na nahuli nya kahapon habang nakaupo ako at pinagmamasdan sya. Tumutulong sya sa pagbuhat ng mga lamesa at upuan.

Sina Mama nagluluto sa kusina. Sina Papa at mga Tito ko nasa katayan naman. Nagkatay kasi sila ng baboy at manok. Kaya yun may letchon kami mamaya. Ang sarap talaga tumira kina Lolo.

Ang mga pinsan ko na mga bata pa, nasa plaza at naglalaro. Sina Ashley at Jenna na anak ni Tita Arianna nagluluto naman ng pancit.
Si Lolo naman katabi ko na nanonood. Ang sarap ng buhay ko, ako lang ang walang ginagawa.

"Lo, ano po ba magandang iregalo para kay Vlad?" biglang tanong ko kay Lolo at wala na talaga ako mapagtanungan.

"Apo, ang pinaka magandang maireregalo mo kay Vlad ay ang pagmamahal mo. Dahil iyun ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong materyal na bagay o pera.

Nagulat ako sa sinabi ni Lolo. May punto sya, pagmamahal lang. Dahil ano ba at para saan ang pasko? Hindi sa regalo na pwede mo matanggap o sa aguinaldo na makukuha mo. Ang pinakamagandang maireregalo ko kay Vlad ay bigyan sya ng panibagong pamilya, na alam kong mas kailangan nya.

Niyakap ko si Lolo.

"Salamat po, Lolo. Da best ka talaga!

My Boyfriend is The Professor! Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ