Chapter 54

32K 574 10
                                    




2 weeks na simula ng magbakasyon kami ni Vlad sa beach.

After nun makauwi. Nagkanya kanya muna kami. Kailangan ko kasi asikasuhin  yun  nalalapit na Defense namin. Then next sem, OJT na kami. Habang si Vlad naman, dumami ang trabaho sa faculty. Ewan ko ba, lagi pa syang busy. Nagtetext lang sya. Hindi rin kami nakakapagkita. Sa school naman, nagkikita kami kaya lang nakaw sulyap lang nagagawa ko. Okay na yun kaysa hindi ko sya nakikita baka mapraning ako.

Magkakatapusan na din ng October. Naiisip na din namin magkakaibigan saan kami mag aapply ng OJT. Binigyan naman ako ng suggestion ni Vlad sa BSP kami mag apply, kaya lang ngdadalawang isip ako, masyadong malaki ang company na yun.

11am ang pasok namin. Maaga ako pumasok kasi nga mag rereview ako.
Nakaupo lang ako sa tapat ng room namin. May nagkaklase pa kasi.

"Hey!

May tumatawag pero hindi ko pinansin. Nakaheadset kasi ako. Bigla nya ako tinapik kaya napalingon ako.

"Huh?

Lumingon ako sa taong tumapik sa akin.

"Kilala ba kita?" tanong ko sa lalakeng nakatayo sa harapan ko.

"Its me Zach!

Nagulat ako. Zach? Sya yun hearthrob sa Juniors dati ah? Napatayo ako sa upuan.

"Ikaw na ba yan?" gulat kong tanong habang nakatitig sa kanya.

"Yeah. Nag aaral ka pala dito? Senior na?

Tumango ako.

"Ang laki ng pinagbago mo.. "he said na nakatawa. Ang gwapo nya pa din!

"Oo nga eh. Ikaw din. Uhhh- Bakit ka nga pala nandito?

"I'm working as part time instructor here.

"Talaga?

"Oo. Bali sa next sem na simula ko. At mukhang isa sa mga tuturuan ko is yun section nyo.

Nagulat ako at napangiti.

"Ah ayos ah. Congrats pala. Nakapasa ka daw sa CPA exam. Diba sa government kana nagwowork?

"Yup. Kaya nga part time lang tinanggap ko dito. For extra income .

"Ay sipag.

"Well- Nandito na din naman ako. Lets go out for a drink.

"Ha? Ngayon na?

Tumango syang nakangiti. Hinawakan nya ako sa kamay.

"Sige na. Ngayon lang. My treat.

Hinila nya na ako hindi na ako makatanggi.

----

Sa loob ng Faculty ng Commerce, nakaupo si Vlad sa table nya habang ang ibang professors naman nagkukwentuhan sa kabilang side ng kwarto.

"May new instructor daw yun, inaanak ni Dean Castro." said Mam Cathy.

Nagulat si Vlad sa narinig.

"Sino yun? Cum Laude nung 2015. Si Zacharias ba? "tanong naman ni Sir Aries.

"Oo, yun hearthrob. Ay naku! Nakita ko sya kanina at gwapo pa din ang batang yun! Naku.." kilig na sigaw ni Mam Cathy. Natawa ang ibang profs.

"Naku! Bata pa yun! Wag mong tuhugin." asar ni Sir Jacob na nakaharap sa laptop nya.

"Huh? Zach?" bulong ni Vlad.

Tinabihan sya ni Sir Aries.

"Alam mo na yun balita?" bulong nya dito.

"Sa lakas ba naman ng kwentuhan nyo , hindi ko pa ba maririnig?

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon