Chapter 38

31.2K 703 37
                                    



Pagkatapos namin kumain ng tanghalian. Hinatid kami ni Tita Lucia sa mga kwarto namin. Akala ko makakaligtas na ako at magkasama kami sa isang kwarto ayun pala hindi. Anebeyen! Kainis lang ah.

"Oh dito kana matulog Vlad." sabi sa kanya ni Mama.

Tinulungan ko sya ipasok ang mga gamit nya. Medyo okay naman ang loob. Sabi ni Tita kwarto daw ni Tita Angge yun dati. Eh dahil sa malinis sa kwarto si Tita. Ayun laging malinis ang kwarto. Bagong palit ang mga kobre ng kama. Maaliwalas ang kwarto at syempre malamig.

Naupo si Vlad sa kama.

"Hindi pa din ako makapaniwala sa koneksyon ng mga magulang natin." said Vlad na nakangiti sa akin.

"Ako din naman. Parang ang weird tuloy.

Naupo ako sa tabi nya.

"Okay kana ba dito?" tanong ko ulit sa kanya.

Tumango lang sya at hindi maalis ang ngiti nya.

"Hmm- Kanina ka pa nakangiti.. Hmm-

"Nothing, Love. I'm just happy.

"Saan? Sa nalaman mo between sa mga magulang natin?

"Oo. And I just realize that we really are meant to be.

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Vlad-

Niyakap ko sya. Masaya din naman ako sa nalaman ko. Sobra-

Hinawakan nya ang pisngi ko. Aakmang hahalikan ako nito at ako naman hindi na mapakali ang mga paa ko.

"Your so beautiful.. "malambing nyang sabi.

Halikan mo na ako!! Bilisan mo na!!

Naramdaman ko ang pwersa ng katawan nya sa akin. Halos mapaatras ako at napuputol ang paghinga ko. Kinakabahan nanaman ako.

"Your nervous?" tanong nya at bahagyang lumayo sya sa akin.

Dahan dahan akong tumango. Ayokong aminin pero oo.. 100%.

"Don't be nervous.. Love.

Niyakap nya ako at hinagkan ako sa noo.

"Sorry ha. Kasi naman ano- ikaw ang unang boyfriend ko. Kaya ganito ako kinakabahan kapag ano-

Natawa sya. Nagulat ako.

Aba! Loko! Tinatawanan ako.

"You're so cute when being nervous.. I love it.

Napasimangot ako. Nang aasar pa talaga sya.

Biglang may kumatok napalingon kaming dalawa sa taong nasa pinto.

"Ate Aly-

Nagulat ako. Ang pinsan kong si Jeric pala ito.

"Jer. Ikaw pala yan!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko ang pinsan ko. Matagal tagal din kaming hindi nagkita.

"Vlad- Ang pinsan ko nga pala si Jeric.

Tumayo si Vlad at kinamayan ang pinsan ko.

"Ate sya na ba yun?" nilingon ako ng pinsan ko.

"Ahh---

"Boyfriend nya ako."sagot ni Vlad.

"Talaga? Diba Ate sya yun tinutukoy mo dati na bwisit na bwisit ka sa professor mo?

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Tinakpan ko ang bibig nya.

"Bwisit ka sa akin Aly?" nagtatakang tanong ni Vlad.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now