Chapter 78

27.6K 562 31
                                    




2 weeks nalang at graduation ko na, ay namin palang magkakaibigan.
May 1 week pa kami para ayusin ang mga grades at final averages namin na dapat ipasa na agad within this week. Kahit na nagpost na ang Dean's Office ng mga candidates for graduation. Syempre kasama ako dun, kaming magkakaibigan.

At dahil may allowance at salary pa ako sa OJT ko. Yun na ang ipambabayad ko sa graduation fee ko ng makabawas na sa gastusin ni Mama. Balak ko na din na sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko. Alam ko mashashock sila, wag sana magalit si Papa.

"Pa," tawag ko kay Papa ng makita ko syang nakaupo sa may sala at nanonood ng tv.

"Oh? Bakit?"

Nilapitan ko sya. At naupo sa tabi nya.

"Pa, may sasabihin po ako." Medyo kinakabahan na ako.

"Ano yun?" sabi ni Papa habang nanonood ng tv.

"Ano kasi- Papa- uhh-" napakamot ako sa ulo ko.

"Alam ko may sasabihin ka Aleng- Ano ba yun?" nagulat ako sa sinabi ni Papa. Ganun nya ako kakilala.

"Papa. Wag ka magagalit. Kasi ano- Kami ni Vlad- uhhhh- Buntis na ako..

Hindi agad nagsalita si Papa. Natatakot ako na baka magalit sya sa akin. Oo at gagraduate na ako kaya lang nabuntis agad ako. Pananagutan naman ako ni Vlad eh. Sure ako dun! Wag lang talaga magalit si Papa.

"Papa? Hinawakan ko sa balikat si Papa. "Sorry na Pa. Wag kana magalit. Pramis after ko manganak. Magwowork na ako. Pero ipapasa ko muna yun board ko.

Bigla ako niyakap ni Papa. Nagulat ako.

"Akala ko anak. Tatanda kang dalaga.." Bumitaw ako sa yakap kay Papa.

"Ano pong pinagsasabi nyo Papa?

Natawa ito."Eh kasi naman anak. Akala ko di ka mag aasawa. Yan lang pala si Vlad ang magpapalambot sayo. Medyo nagtatampo ako. Pero masaya ako dahil alam ko na mapupunta ka sa matino at mapagkakatiwalaan lalake.

Napangiti ako at hinalikan ko si Papa sa pisngi.

"Basta anak. Masaya ako para sayo. Ipinagmamalaki kita. Mahal na mahal ka namin ng Mama mo.

Ngumiti ako.

"Alam na din ba ni Mama mo ito?" tanong ni Papa. Napailing ako.

"Naku! Matutuwa yun. Baka mamaya sya pa mag isip ng pangalan ng anak mo. Naku!

Natawa ako.

"Salamat Pa.

"Eh alam na din ni Vlad ito?" napailing ulit ako.

"Balak ko po sabihin pagkatapos ng graduation ko.

"Mabuti naman anak, matutuwa yun panigurado.

Niyakap kong muli si Papa. Nagpapasalamat ako at hindi sya nagalit mas lalo si Mama dahil mas excited pa yun sa akin at syempre panay update din yun sa relasyon namin ni Vlad.

----

Kinabukasan.

Nagpunta ako sa office ni Mam Sheila. Para sana mag paalam at magpasalamat sa maayos na pakikitungo nila sa akin at syempre yun recommendation ko na magtrabaho sa kanila habang nagrereview ako para sa board exam pero sa ngayon medyo mamamahinga ako at maselan daw ang pagbubuntis ko.

"Bumalik ka ha Aly. Aasahan ko yun."said Mam Sheila at niyakap ako.

"Pakikamusta nalang ako kay Vlad ha. Dumalaw sya kamo dito. Sobrang busy nya." natawa ako at umoo nalang.

My Boyfriend is The Professor! Место, где живут истории. Откройте их для себя