Chapter 28

35.3K 780 33
                                    



Lunes.

Lunes na!! Magkikita na kami. Yes!!
Dati ayoko na pumapasok dahil alam ko magkikita kaming dalawa ng terror na professor ko. Ngayon super excited ako at magkikita kami ng boyfriend kong terror na professor. Medyo naappreciate ko na nga yun ginagawa nyang pagiging strikto sa mga estudyante nya. Natuturuan nya kung paano magsipag ang mga estudyante nya at isa na ako dun.

"Aalis na ako Ma! "sigaw ko kay Mama na nagwawalis sa bakuran.

"Oh anak? Blooming ka ata?" bati sa akin ni Mama.

Medyo nag ayos ako ngayon para magmukha akong maganda sa paningin ng boyfriend ko kahit na pasulyap sulyap lang ang pwede namin gawin. At least sa sulyap na yun sulit naman.

"Naku Ma. Hindi naman po nagbago itsura ko." sabi ko na nagkakaila pa.

"Hmm-- "ngumiti sya at hinagkan nya ako sa pisngi ko.

Umalis na din ako after nun. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Papa at nasa cr daw naliligo. Kinatok ko nalang.

Sumakay ako ng bus. Buti nalang at hindi traffic. Nagtext sa akin sina Yanie at Jelly. Mga #teamVlad na daw sila. Talagang pinandigan na nilang magtayo ng fansclub ha.

Napatingin ako sa bintana habang nakaupo sa loob ng bus. Nagvibrate ang phone ko. May nagtext ulit.

Sms from: Vlad my Love <3

Goodmorning my Love. Take care while you're on your way to school. I love you so much and I've missed you.

Yiiieee! Namimilipit ang mga paa ko sa kakiligan. Nakakainis sya!!

Napapangiti ako sa loob ng bus. Mukha akong timang pero okay lang.

Mga ilan minuto pa ang lumipas at nakarating ako ng school. Nakita ko kaagad sina Yanie at Jelly sa gate hinihintay nga nila ako.

"Yan! Jel!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Kumaway sila pabalik sa akin. Niyakap ako ni Jelly.

"Bruha ka. Ang dami mong chika sa amin. Ano yun in a relationship kana sa facebook? Ano yun ha!" pangungulit ni Yanie.

Natawa ako. Hawak ako sa braso ni Jelly.

"Naku. Hindi na ako NBSB. Sorry kayo. May boyfriend na ako at this time seryoso na talaga." sabay tawa ko.

"Hmm- So ako nalang ang wala talaga." said Jelly at sumimangot.

"So ano na? Nagsex na kayo?" biglang tanong ni Yanie.

Nagulat ako nahampas ko bigla si Yanie.

"Baliw ka talaga!!

Natawa si Yanie.

"Seryoso? Hindi pa? Ang slow ni Sir Vlad ha.

Nagblushed ako. Sira talaga si Yanie! Sex kaagad! Sex- as in Sex? Ano ba pakiramdam ng mag sex? Normal ba yun? Virgin pa ako!!

Napahawak ako bigla sa bibig ko. Kung ano ano na naiisip ko!

"Alam mo wala pa sa isip ko yan Yanie!! "deny ko pero sa isip ko napapa oo ako.

"Naku. Kailangan nyo yun. For sure kapag nagkaroon kayo ng private time naku ayun na! Magtetake step na yan!

Nagulat ako. Alam ba ni Vlad ang tungkol sa mga ganun bagay. Nung huli nga na nagkiss kami, hindi sya mapakali ng bigla syang nakaramdam na naturn on sya sa ginawa namin. Paano pa kaya kapag sex~ Gosssshhhh!!

Napailing ako. Hinatak ko na si Yanie.

"Mamaya na yan. Mukha tayong mga ano sa mga ganyan topic eh. May klase tayo!!

Tinatawanan ako ni Yanie habang hatak hatak ko sya. Hindi naman mawala sa isip ko yun about dun. Ano ba yan!!

Sa building ng Business Admin ang klase namin. Nirerenovate kasi ang building namin. Kaya isinama muna ang mga nagkaklase sa 5th floor sa building ng CBA.
Sa 4th floor ang klase namin. Nakita ko si Drake na hinihintay na kami.

"Ang tagal nyo. Kailan ba bibilis ang kilos nyo?

"Loko ka ah. Akala mo ang bilis bilis mo." sigaw sa kanya ni Yanie.

Natawa kaming dalawa ni Jelly. Kumapit ako sa braso ni Drake at hinatak na sa loob ng room.
Magkatabi kami ni Yanie sa upuan habang ang dalawa nasa likod namin.

Medyo nagsisipasukan na din ang iba kong kaklase.

"Uy. Nakita nyo ba si Sir Vlad.. Grabe ang hot nya nung nakita ko sya.." dinig ko sa isang babae na katabi nila Jelly sa likod.
Napalingon ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

Ang hot? At bakit?

Napaisip ako. Maya maya narinig ko na nagtatakbuhan na ang iba sa loob . Andyan na si Vlad.

Hinihintay ko pumasok si Vlad at..

"OMG!

Halos lahat ng babae kong kaklase natulala ng makita sya. Mygaddd!!!

Nagpagupit sya. Medyo magulo  ang buhok nya pero mukhang maayos eh kasi naman bagay sa kanya yun ang nagpagwapo sa kanya ng sobra, naka eye glassses din sya at ang suot nya long sleeve lang nakatupi ang sleeves nya hanggang sa siko nya. Hindi sya nakaneck tie nor suit. Nakabukas ang ilan butones nya malapit sa kwelyo. Napakarefreshing ng itsura nya. Halos lahat kami nakanganga sa itsura nya. Hindi sya mukhang weirdong professor na parang laging may court hearing at palaging galit sa mundo. Iba sya ngayon. Totoo ang sabi ng kaklase ko. He's so damn hot! Gassshhh!!

"Aly.." may tumatawag sa akin pero hindi ko sya pinapansin.

Hindi maalis ang tingin ko sa napakagwapong boyfriend ko. Feeling ko naglalaway nanaman akong parang aso eh..

"Ms Yuson?" nagulat ako sa tinig na narinig ko.

Shhheeeet!!!

"Are you okay?" nasa harapan ko na pala si Vlad at nakatingin sa akin. Nakatingin din sa akin lahat ng kaklase ko.

"Ummm-- " hindi ako makapagsalita. Nakatitig sya sa akin.

"Kanina ka pa nakatayo. Nakaupo na ang mga kaklase mo." he said na nakatingin sa akin.

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Dahan dahan akong naupo. Nakakahiya. Sa sobramg titig ko sa kanya, nakalimutan kong umupo. Nakakahiya!

"Kanina pa kita hinahatak eh ayaw mo akong pansinin!" bulong sa akin ni Yanie na katabi ko.

"Sorry naman.

"Naku. Mamaya mahalata ka!" Said Yanie at natawa ako.

Nagstart na magturo si Vlad. Sa kanya lang ako nakatitig. Ano kayang naisip nya at nagpagwapo sya. Gwapo na sya eh. Sobra na nga eh. Ngayon sobra sobra na!!
Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.

Ngumiti sya sa akin ng makita nyang nasa kanya ang atenyon ko. Nagblushed agad ako at inalis ko ang mga mata ko sa kanya.

Grabe sya oh!!

Nagtatalunan na ang mga palaka sa tyan ko. Grrrr~ ang tyan ko!

----

Enjoy reading guys :)
Thanks sa comments and votes 😗

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon