Chapter 40

30.2K 639 11
                                    



Lunes. Month of September na pala. Hindi ko na naalala tumingin sa calendar. Hahaha.

Bumangon ako sa higaan. Ang himbing ng tulog ko. May klase ako kay Vlad ngayon. Naeexcited ako magkikita kami.

Lumabas agad ako ng kwarto para pumunta ng cr. Naligo at nagready. Namimiss ko na ang Vlad ko.. Ang yakap nya, ang pilyo nyang ngiti pati mga lambing nyang nakakamatay kaya ang feeling ko out of this world!!

Tumagal ako ng halos 1 hour sa cr. Ang sarap maligo. After nun, nagbihis ako. Nagpaganda of course at ayun umalis na. Nagbaon ako ng sandwich na gawa ni Mama. Muntik ko pa makalimutan ang phone ko na nalobat kagabi. Nagdala nalang ako ng charger.

Sumakay ako ng bus papasok ng school. Walang traffic so sandali lang byahe ko. Nakita ko si Jelly sa gate.

"Jel!" sigaw ko. Lumingon sya kaagad.

"Best!

Niyakap nya ako.

"Sino hinihintay mo?" tanong ko.

"Malamang kayo. Ikaw ha." said Jelly at kinurot ako.

"Aray ha. Aray.

Natawa kaming dalawa. Inaya ko na sya pumasok sa loob.

Sa Building ng CBA ang klase namin. May 1 hour pa kami kaya tumambay muna kami. Wala pa din sina Drake at Yanie.

"Wait. Icharge ko muna itong phone ko baka nagtext si Boyfie." I said at kinindatan si Jelly, nang iinggit ba.

Lumapit ako sa isang outlet na nakita ko sa gilid ng bench. Naupo kami ni Jelly dun.
Isinaksak ko ang charger ko at sinubukan ko buksan ang phone ko.

[Charging]

Nag open ang phone ko. Buti naman. Nasa gilid ko lang si Jelly at nagrereview. May incoming exams na kasi kami next week.

"Huh!

Nagulat ako sa nakita ko sa phone ko.

25 missed calls from Veena

Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Veena? Tumatawag pa mula kagabi? Walang text mula kay Vlad..

Tumayo ako sa kinatatayuan ko. Nagulat si Jelly.

"Best?

"Kailangan ko puntahan si Veena..

Nagulat si Jelly.

"Ha? Bakit!

"Basta!!

Niligpit ko ang gamit ko. Binunot ko din ang charger ko.

"Saan ka pupunta!" sigaw sa akin pero hindi nya na ako napigilan.

Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako mapakali. Anong nangyayari. Biglang.

AH!

Nagulat ako sa nabangga ko.
Si Sir Aries.

"Yuson? Are you okay? " tanong nya sa akin.

"Ah opo!" sagot ko kaagad.

"Absent nga pala si Vlad ngayon. He said he need to fix something. So hindi sya makakaattend ng klase nyo ngayon.

Nagulat ako.

"Tumawag po sya sa nyo?

Tumango si Sir Aries.

"That was yesterday. Why?

Nagtaka ako. Kung tumawag si Vlad kahapon bakit panay ang tawag sa akin ni Veena kagabi?

My Boyfriend is The Professor! Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz