Chapter 30

35.1K 701 17
                                    



"I need to go now..

Pinilit nyang bumitaw sa pagkakapit sa kanya ni Mam Arianne. Nang makabitaw sya dito agad syang umalis.

Napahinga ako ng malalim. Akala ko eh ano pa gagawin nya kundi tatayo na talaga ako eh at hahatakin ko si Vlad palabas ng classroom.

Pinagpatuloy ni Mam Arianne ang pagtuturo. Hindi na ako makapaghintay. After nito. Magkikita na kaming dalawa.

----

After a couple of minutes . YES!!!
Tumayo agad ako sa kinauupuan ko.

"Paano ba yan! Mauuna na ako!

Hindi na ako nagsuklay o nag ayos man lang. Kinuha ko ang gamit ko at nag paalam na kina Drake.

"Sa Wednesday nalang ha." paalam ko sa kanila at lumabas na.

Niyakap lang ako nila Yanie.

Habang naglalakad ako pababa ng 2nd floor. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko. May text na sya agad. Binuksan ko yun.

Sms from: Vlad my Love <3

Where are you Love? Magkita tayo sa Eden Park. Okay. Wait me there. Malelate lang ako for a minute.

Nireplayan ko ang message nya. Then ibinalik ko ang phone ko sa bag ko. 5PM na so nasa park ako around 5:30.

Pagkalabas ko ng gate. Sumakay nalang ako ng taxi para makarating ako kaagad sa park.
Habang nasa loob ako ng taxi nagsimula akong mag ayos ng buhok ko. Gusto ko maging maganda naman ako sa paningin nya at mapasaya ko naman sya.

Huminto ang taxi na sinasakyan ko nagbayad lang ako kay Kuyang Driver at bumaba na din agad ako.
Ibinaba ako ng taxi sa mismong Eden Park kaya hindi na ako gaano naglakad.
Dumiretso na ako sa loob. Nabasa ko pa na nagextend ang Park sa opening hours nila at may magbubukas na Grand Carnival sa loob. Kaya pala ang daming tao ang kasabay ko naglalakad papasok sa loob.

Naglibot libot muna ako habang hinihintay ko ang tawag nya. Nakarating ako sa isang maliit na pond na noon ko lang din nakita, mukhang di ko pa nga gaano nalibot ang Park.
Nagdecide ako na maupo nalang malapit sa pond. Nakakarelax kasi mamahinga malapit dun.

Naupo ako sa isa sa mga bench malapit sa pond. Palubog na din ang araw at lumalamig na ang simoy. Naririnig ko na din ang mga tao sa Grand Carnival. Medyo malapit lang kasi yun sa pond.

RRRRRIIIINNNGGG!

[Vlad my Love<3 Calling]

Tumatawag sya! Sinagot ko kaagad ang tawag nya.

Hello!

Narinig ko ang boses nya sa kabilang linya.

Love? Nasaan ka? Andito na ako sa Park..

"Nasa ano-" lumingon ulit ako sa paligid ko. "Malapit ako sa fish pond.

Okay.. Stay there..

Nag end call na sya. Naupo na lang ako at hinintay ko sya.

Maya maya naaaninag ko ang isang lalakeng may dalang bulaklak ang naglalakad papunta sa akin.
Napatayo ako.

"Vlad-

Nakita ko sya. Nagpalit sya ng shirt. Then may dala syang sunflower. Pagkalapit nya sa akin hinagkan nya ako sa noo. Inabot nya sa akin ang sunflower na hawak nya. Naupo kaming dalawa.

My Boyfriend is The Professor! حيث تعيش القصص. اكتشف الآن