UYS 01: When It Rains, It Pours

1K 29 19
                                    

Tiffanie plugged her earphones before she returned to her excel file. She just came back from her 5-minute trip to the washroom where she was able to talk to Maya, a former team mate. Nang lapitan siya nito habang naghuhugas siya ng kamay, akala niya ay may magandang balita na itong dala.

Limang libo raw ang bayad per month sa room-for-rent ng kakilala nito kaya naman nalungkot siya. She's looking for less than that. Pero saan nga ba siya makakahanap pa ng maayos na paupahan na may magandang lokasyon na mas mababa pa sa 5k? Nagtanong na siya sa mga nagpapaupa ng mura ngunit wala ng bakante.

She sighed and stared blankly at the work waiting for her. Ilang araw na lang ay magiging unemployed na siya. Kailangan pa niyang makalipat ng lugar agad-agad lalo pa at sa susunod na linggo ay lilipat na duon ang bagong kasal. Napaaga kasi bigla ang planong paglipat ng anak ng may-ari sa inuupahan niya at wala naman siyang magawa. Ilang taon din siyang pinaupa ng mura ng kakilala ng nanay niya kaya wala na siyang karapatang magreklamo pa.

Bakit naman kasi kailangan magkasabay-sabay pa ang lahat ng kamalasan?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naramdaman niyang may kumalabit sa kanya. She turned her swivel chair around and saw Liberty smiling at her. Tinanggal niya ang earphone sa kaliwang tenga.

"May interview sched ka na?"

Umiling siya. "Nagpasa pa lang. Wala pang tumatawag ni isa hanggang ngayon."

Tumawa si Liberty. "Masyado ka raw kasing perfect kaya overqualified ka! Sabi ko kasi sayo papangitin mo kasi picture mo! Siyempre makikita nilang matalino ka dahil ang taas ng grades mo sa transcript tapos ang ganda mo pa. Beh, iisipin ng mga taga HR, nasaan ang hustisya!"

Kinurot nito ang pisngi niya at agad niyang pinalo ang kamay nito. Alam naman niyang hindi totoo yung sinasabi ni Liberty na dahilan kung bakit wala parin tumatawag sa kanyang employer. Umaasa naman siya na bukas ay dadating din siguro ang swerte niya.

"Ikaw ba, saan ka na ba nagpasa?" tanong niya dito.

"Baka duon na lang ako sa business namin, Beh."

Ang pinakamalas naman kasi ay mawalan ng trabaho. The entire team roles will be transferred to India. Lahat sila mawawalan ng trabaho. She tried looking for another role in the same company but nothing fits her skills. Yuong iba magsisilipatan na sa mga kompanya sa kaparehong industriya. Siya naman, sinusubukan maghanap ng trabaho na lihis mula sa experience niya. She's sick of this corporate world. Gusto niya sana ay maiba naman.

Mabuti pa nga si Liberty, may family business na meat shop. Gustuhin man niya na magka-business kesa maging corporate slave, hindi niya naman alam kung anong business ang papasukin. She's not skilled in that area, that's why she settled for being an office lady for three years.

Isa pa, malamang kulangin siya sa puhunan. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay makapagtipid hangga't maaari dahil magpapadala pa siya ng pera sa probinsya. And no, she's not planning to tell her mom about the resignation. She knows she'll just add up to her worries, might as well keep it to herself first.

"Eh malilipitan, nakahanap ka na?"

Malungkot siyang umiling dito.

"Bili na nga lang tayo ng merienda, mukhang stress na stress ka na, eh. Ikain mo na lang 'yan," sabi ni Liberty nang makita siyang bumuntong-hininga ng pagkalalim-lalim. Agad naman siyang pumayag dahil hindi pa naman gamit ang natitirang 25-minute break niya.

Pagdating nila sa baba ay napagkasunduan nilang bumili sa may MiniStop. There might be a lot of food establishments to choose from, pero halos lahat naman ay mahal ang mga pagkain. Araw-araw siyang nagtitipid hangga't kaya. Minsan nga lang ay hindi niya mapigilang mapagastos kapag sobra siyang nag-crave sa pagkain.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now