UYS 08: His Preference

436 27 28
                                    

Tiffanie took the box on the coffee table and hurriedly entered her room. Dala din niya ang bag pati ang fleece blanket na kanyang tinupi pagkabangon.

She was able to hear James' voice downstairs. Paniguradong may kliyente itong kausap dahil narinig niya ang salitang "papatungan ang lumang tattoo" na binigkas ng kausap nito.

Pagkaiwan niya ng gamit sa loob ng kwarto ay lumabas siyang muli. Hindi pa siya nagbihis at naglakad lang din siya ng nakayapak. Para na kasi siyang na-u-ulol sa gutom. It was her fault. Brunch lang kasi na French toast kahapon ang huli niyang kinain kaya nagmadali siyang magpuntang kusina para ihanda ang kakainin niya. She was not in the mood to eat; wala pa rin siyang gana pero sumasakit na ang sikmura niya at alam niyang hindi na niya kaya.

Paglapag niya ng canned tuna sa mesa, napansin niyang may nakahandang pagkain na nakatakip ng umbrella-style na food cover. She found a note beside it.

EAT ME

Alice in wonderland? She thought to herself.

Pagbukas niya, fried chicken, sunny-side up egg at garlic rice iyon. Sa tabi nito ay mayroon ding cupcake.

Sa sobrang gutom niya ay hindi na siya nagdalawang-isip kainin agad ang mga iyon.

"Tippy!"

Tumalon ang puso niya pagkarinig ng malakas na boses sa kanyang likuran.

"Ginulat mo ko!" Simangot na sabi niya rito. Ibinalik niya sa plato ang hawak na cupcake na isusubo na niya dapat.

Hinatak nito ang upuan sa kanyang tabi at umupo dito.

"Ang dungis mo na naman," he said as he took some crumbs on her cheek. Naabutan na naman siya nitong may amos.

"Hindi ka ba niya hinatid kagabi?"

Napa-iwas siya ng tingin bago umiling.

He knit his brows. "Ba't di ka tumawag?"

She immediately changed the topic before she could feel an urge to share the story with him.

"Ito ba yung dala ng girlfriend mo?"

She took the cupcake on her plate and started eating it. Lasang vanilla iyon at sa gitna ay may blueberry filling. Sa itaas naman, may cream cheese frosting at white chocolate bits. Tiffanie normally doesn't like cupcakes. May sweet tooth nga siya pero hindi niya kaya yuong lasa ng mga nakakain niyang ganuon. Pero ito, iba. Tama lang ang lasa.

"Girlfriend?" He chuckled. "Nakita mo pala kami ni Yana kagabi?"

Tumango siya at pinagpatuloy ang pagkain. She frowned when James swiftly dipped his finger on her cupcake's frosting before he brought it to his mouth and licked it. Hindi na siya nagreklamo, bigay naman din kasi nito iyon sa kanya.

"Kapatid niya yung may-ari ng Dead Poets. Yang cupcake," he pointed at what she's eating, "galing 'yan sa shop niya."

She nodded in reaction to what he just said.

"Nakita mo pala kami kagabi, e saan ka naman nagpunta? Ba't hindi ka pa umuwi agad? Pinakilala sana kita kay Yana. You'll like her for sure. She's as sweet as her cupcakes," nakangiting sabi nito.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now