UYS 13: Still Lucky

444 21 23
                                    

Akala ni Tiffanie, hahayaan na siya ni James matapos siya nitong hamunin na matulog mag-isa. Hindi naman pala.

He suggested a good sleeping set-up for them in the living area. She's cool with it, tutal dapat naman talaga hindi sila nagtatabing matulog. Mamaya kasi mangyari na naman yung aksidente gaya dati paggising niya. Besides, it's too intimate for them. Hindi naman niya ito asawa o boyfriend para tabi silang matulog.

Duon sa lapag nagpresentang matulog si James kaya siya naman, duon sa sofa nahiga. Kinabukasan, napansin niyang pagbangon nito ay napahawak ito sa likuran. Malamig ang sahig at wala itong matinong panglatag kaya malamang sumakit iyon.

"Okay lang ba tulog mo?" she asked him when they had their breakfast together.

"Yup, ayos lang," he replied with a smile.

Sinungaling, she mentally said.

Tiffanie felt a little guilty, damay pa kasi ito. But it's his fault, hindi kasi siya tinatantanan nito sa pananakot. Iminungkahi na lang niya na tabi silang matulog sa kama kung ayos lang uli dito. James didn't complain or gave an annoying comment. He let her sleep beside him again that night.

Gentleman naman ito kapag gabi. Hindi siya pinagttripan kapag tulog siya. He doesn't take advantage of her, too. Kumportable naman siya sa pagtulog na katabi ito. Maybe it's because she's so afraid of the ghost and another human's presence made her feel relaxed than being alone at night.

Bahala na ang intimacy na naisip niya. What's important is, she's able to get some sleep. (and she could only do it these days whenever she's with him) Nag-i-ingat na lang siya sa pag-u-unat kapag nasa kama sila.

When she told Liberty about this, her friend automatically teased her. Nakwento rin niya kasi yuong tungkol sa pagpunta nila sa Bulacan nuong tumawag ito sa kanya.

"Beh, lumelevel-up! Tapos na ang meet the parents tapos tabi na rin kayo matulog! So, anong nangyayari 'pag gabi?"

"Wala! Ano ka ba! Andumi ng isip mo! Makabili na nga ng panglatag..."

"'Wag na! Body warmth is the best!" Rinig ang tawa nito sa kabilang linya. "Kunwari ka pa, yummy din naman si Jamesy, ha? Hindi ka ba talaga—"

"Hindi!" pasigaw niyang sabi. Alam na niya kasi ang gustong itanong sa kanya ng kaibigan.

Humagikgik naman si Liberty. "Kung alam mo lang..."

"Anong kung alam ko lang?"

"Wala..."

Kukulitin pa sana niya ito nang may naalala siyang itanong.

"Lib, 'di ba... pwede naman makitulog sa inyo? Kahit minsan—"

"Sorry, Tif. Hindi kita tutulungan muna ngayon, ha? Ngayon lang naman. Basta, thank me later!"

She rolled her eyes. Salamat sa pagiging true friend.

Wala rin. Akala pa naman niya pwede siyang makitulog... pero di bale na. May mga mas importante pang problemahin. In the mean time, she needs to focus on looking for a job. Kung pagsasabayin niya pa ang paghahanap na naman ng lilipatan, baka mahassle lang siya masyado.

Hindi na rin niya muna hinayaan na iyon ang ika-stress niya, dahil sa paghahanap pa lang ng trabaho, stressed na siya.

Tiffanie's job hunt has been so far, a failure. Nuong unang araw pa lang ng linggo ay tinawagan siya ng ESL online tutoring firm na in-apply-an niya nuong nakaraan. She passed the online English exam, then the next step was a demo class. Kunwari ay may tuturuang foreigner sa Skype.

Under Your Skinजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें