UYS 02: One Down, Two to Go

782 31 12
                                    

Pagpasok kinabukasan, agad pinansin ng ibang mga ka-opisina ni Tiffanie ang mugto niyang mga mata. Ngiti lang ang tangi niyang isinagot sa mga ito.

Yes, she has cried herself to sleep last night because of that damn relationship status of her ex-boyfriend. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nabasang balita. She thought Evan was just flirting with that sexy doctor. Hindi pala, seryoso na ito dito.

Wala naman siya magawa kung hindi ilabas na lang ang lungkot sa pamamagitan ng pag-iyak habang abalang magplano kung paano niya mapipilit si Evan na magbago ang isip. She's not planning to give up. Girlfriend pa lang naman nito si Almirah. Siya nga na dating kasintahan nito ay naagawan. Bakit siya ay hindi pwedeng gawin din yuon?

Tiffanie still believes that Evan is the one for her. Kahit pa nalaman dati na may kalandian ito ay handa siyang magpatawad basta't balikan lang siya nito. Yuon nga lang, imbis na balikan siya, hiniwalayan na siya nito. But she's not giving up yet... Kahit sa nalaman na balita, hindi siya patitinag.

Tanga na kung tanga dahil ayaw niyang mag-move on. Pinagdasal niya kasi itong maigi sa Diyos pati na kay St. Jude. After her break-up with her second boyfriend, she prayed and asked for a sign, for that one special person in her life that she will vow to love forever— at yuon ay ang may James ito sa pangalan at tatawagin siya nito sa kanyang ikalawang pangalan. "James" is quite common but it's just once in a blue moon that she personally meets someone with that name.

After a month, she met Evan James Dee through a common acquaintance. Nang tawagin na siya nitong Isla, walang duda na ito na ang regalo sa kanya ng langit. Three years of happy memories. He was the best boyfriend ever.

Sa checklist niya ng dream boy, ito na ang nakakuha lahat ng check. Mabait ito, maalaga at thoughtful. Karespe-respeto ding tingnan at may magandang trabaho. Physically, he's her ultimate type. Chinito kasi ito at gwapo. Bonus na lang na matangkad ito at maganda ang katawan.

He used to be her perfect man before they parted ways just because of another girl. Pero hindi parin siya susuko. Maybe they're just in the disillusionment stage of love kaya ganito si Evan. Yuon ang gusto niyang paniwalaan hanggang ngayon.

In the middle of being eaten up by her thoughts of him, their team lead spoke to her.

"Tif, okay ka lang?" Louis asked her after their 9'o clock meeting regarding the status of the transition of work. Sila na lang dalawa sa loob ng conference room noon.

"Yes po. Okay lang ako!" She replied in her most cheerful voice. Ayaw na niyang magkwento pa sa ibang mga tao ng pinagdadaanan niya.

That lunch break, she avoided the topic. Kahit pa si Jake, ang malapit na kaibigan ni Liberty na mula sa kabilang team, ay kinukulit na siya dahil sa nalaman nitong balita. Hindi na siya nagkwento pa dito. Isa pa, naisip niyang makakasira lang din siya ng mood sa magandang usapan ng dalawa habang kumakain sila.

"Try natin minsan yung mga food truck sa malapit! Hanggang 12 yung iba do'n! 'Di ba, Tif, mahilig ka rin sa Korean chicken at sa mga burgers na may cheese at bacon? Balita ko may mga masarap na ganon raw do'n!" excited na wika ni Liberty.

Self-proclaimed foodie ito at pagdating sa ganitong usapan ay halata palagi ang excitement sa boses nito. Siya naman, hindi self-proclaimed foodie kung hindi, sadyang matakaw lang. Madalas siyang tuksuhin ng kaibigan na kargador kung lumamon tuwing hindi siya nagtitipid sa pagkain.

Tumango-tango siya. "Sige pero sa susunod na lang... 'Wag muna ngayon."

Normally, the mention of mouth-watering cheesy burgers would immediately make her say 'Yes'. Yuon, at kahit anong Korean food. Ngayon nga lang, ramdam niya ang pagkawalang ganang kumain. Maski ang pritong manok na kinakain niya ngayon ay hindi niya maubos.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now