UYS 21: The Voice Within

369 20 21
                                    

When Tiffanie came to Erol's studio, dinaldal muna siya nito. It was the first time that they talked for a long period of time. Duon kasi sa unang dalawang beses niya itong nakita ay panay ngiti lang ang ginawa nila sa isa't isa at kaunting usap lang kasama sila Evan at iba pa nitong mga kaibigan.

He did a small explanation about RAW. May naka-ilang beses na rin daw ma-feature ang mga gawa ni Erol dito. Tiffanie already knew what kind of magazine it was.
She was able to scan a copy of it before in Evan's clinic. Para iyon sa mga photography-enthusiasts. More of pictures sa loob, may mga iilang piling articles din at lahat tungkol sa photography.

Before the shoot, he also told her that being conscious at first is normal when it comes to modeling, pero masasanay din daw siya. She just needs to feel comfortable with the photographer to be able to get a good result.

Sa wardrobe and make-up naka-toka ang pinakilala nito na si Dominique, a charming guy who's quite skilled style and fashion, na siyang assistant at matalik na kaibigan din ni Erol.

Pagkatapos siya nitong ayusan ay nagulat siya sa itsura niya sa salamin. Iba nga talaga ang nagagawa ng make-up pati na rin ang pag-aayos ng buhok.

Her long chestnut-brown hair was volumized with hair products. Medyo makapal yuong inilagay na eyeshadow sa kanya in contrast sa pink lipstick niya. She wore a baby pink lingerie during the shoot na bagay din duon sa make-up niya.

"You're so pretty," sabi ni Dominique sa kanya matapos siyang ayusan.

"Nako, anggaling mo kaya mag-make up, Dom!"

Umiling ito at tumawa ng bahagya. "Hindi dahil sa make-up."

"You're a natural beauty," singit ni Erol na siyang nagpamula ng mukha niya.

"T-thanks."

Sabihan man siya ng ilang beses ng maganda, nilalamon pa rin siya ng insecurities niya kaya lagi pa rin siya nahihiya.

"Be confident, Tif, kailangan natin 'yan sa shoot," he reminded her.

During the first takes, sobrang hirap siya dahil sa hiyang nararamdaman. Paulit-ulit sila ng kuha. Tinuturuan naman siya ng photographer kung ano ang dapat gawin.

"Give me a sexier look, Tif. Pout your lips a bit," sabi nito nang para siyang tulalang nakaharap sa camera nito.

Everytime he says "Good" or "Perfect" para siyang nakakahinga ng maluwag. Matapos ang mga naunang takes, kala niya mas bawas na ang kuha at mas mabilis na, hindi pala. Kung saan-saang anggulo siya kinuhanan at lalo siyang nahiya kaya paulit-ulit ang pagkukuha.

Minsan pinaluluhod siya nito at duon ito sa ilalim niya kumukuha. Minsan rin ay nakahiga siya sa kama at ito naman ay nasa ibabaw niya. Their position was a little awkward but she understood what angles that he wanted to achieve.

"Think of the camera as the guy who you want to seduce— yung lalaking gusto mong halikan. It would help," payo nito sa kanya nang makita marahil ang hiya sa kanyang mukha.

She nodded and they tried again.

Sinubukan niya ang payo nito at baka gumana. Siguro isa iyon sikreto para magmukhang sensual ang itsura sa picture. Kung naroon nga ang feelings, marahil lalabas sa litrato.

An image of James suddenly popped up on her mind which surprised her.

"Tif, are you okay?" natatawang tanong ni Erol. "Why the sudden look of shock?"

Under Your SkinWhere stories live. Discover now