UYS 17: Dazed and Confused

423 22 13
                                    

Hapon na nang makarating si Tiffanie sa sakayan. Isang backpack lang ang dala niya pauwi. Pagpasok sa bus ay tumungo siya sa bakanteng upuan sa may bandang gitna. The movie on the television immediately caught her attention. She mentally face-palmed when she realized what it was.

Bakit ba kasi ang hilig ng mga bus drivers magpalabas ng horror? Kung hindi iyon, action na may patayan o kung hindi naman, gorey psychological films. She couldn't believe that people would love to watch something like that during a trip. Lalo na kapag Final Destination tapos nakasakay sa bus yuong mga nanunuod. Wouldn't that scare the passengers and imagine that it's their last trip? Baka siya lang talaga ang imaginative at matatakutin.

The one playing now was a paranormal movie which reminded her of James. Kung nandito iyon, malamang aliw na aliw iyon sa palabas. Naalala na naman niya tuloy ang saglit na pag-uusap nila nuong umaga.

Temptress. That was the term that he used to describe her last night and when he elaborated what it meant, she couldn't believe what he told her. Nanghahalik daw siya at nangyayakap kapag lasing. James is an annoyance; alam niyang pwede siya nito pag-tripan, pero mukhang totoo ang sinasabi nito kasi bakas ang pagkaseryoso sa mukha nito. Hindi man lang natawa o ano.

Ayon, nalunod na siya sa hiya. Hindi pa siya sigurado kung yuon lang ang ginawa niya. Looks like James didn't tell her all the details. Napakatipid lang kasi nito magkwento kanina, parang ayaw din pag-usapan ang nangyari.

When he was talking to her about it, he was still his usual relaxed-self but he wasn't smiling. His face and neck turned noticeably red too, an indication that she might have done something embarrassing.

"Don't worry, nothing happened beyond that. Wala akong ginawa," he assured her when he noticed that she was already covering her face with the palm of her hands. Kung anu-ano na kasi ang na-imagine niya. Baka mamaya nanggagahasa pala siya kapag lasing.

She even texted Liberty about it when her friend replied to her earlier message. Hindi niya ito tinawagan, alam niya kasing baka makaabala siya sa trip nito.Gusto lang niyang kumpirmahin ang mga nalaman dahil hindi pa rin niya ito matanggap.

Liberty

Thanks beh sa greetings! :* nako keri lang yung kagabi! Wag mo na un isipin! No biggie!

To Liberty

Lib totoo bang nangyayakap ako at nanghahalik nung lasing ako kagabi?

Liberty

HAHAHAHA sinabi ni Jamesy? oo, Beh, clingy ka. :))))

To Liberty

:...c

Liberty

CHILL LANG BEH :) for sure iningatan ka maigi ni Jamesy kagabi ;) 

Wala, nakakahiya talaga. She swore she would never drink again. Kung iinom siya, dalawang lagok lang siguro. Pero parang ayaw na niya.... she might just do something embarrassing again, tapos wala na naman siyang alam tungkol duon.

Kung hindi pa siguro ni James binanggit din ang tungkol kay Evan ay hindi siya titigil kakaisip tungkol sa kalasingan niya. It surprised her that her ex called her. Siguro ay tumawag lang ito para marinig ang pangako niya na huwag na itong guguluhin kahit kailan. Tiffanie had the urge to call him back but she didn't. Kung iyon lang naman ang maririnig parang ayaw na lang niya muna itong makausap. Binlock muna niya ang numero nito upang hindi makatanggap ng text o tawag dito.

Under Your SkinKde žijí příběhy. Začni objevovat