UYS 27: There'll Soon Be a Rainbow

446 16 27
                                    

The following days were a bit optimistic for Tiffanie. Wala pa mang kasiguraduhan ang mga susunod na mangyayari, ramdam naman niya na unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa. But somehow she was still feeling a bit pessimistic. Paano kasi, sunud-sunod ang kamalasan niya sa buhay. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na baka may matinding kasunod pa.

Monday— an HR employee called her regarding the schedule of her exam and interview. Duon yuon sa kompanya kung saan si Kaden ay nagttrabaho. She may not really want the job but then, in this life, she was lately reminded that one could not be so choosy sometimes.

Minsan wala ka talagang choice kahit hindi mo gusto. Kumakapit na lang siya sa paniniwala na God has a plan. If she will be able to be employed in this company, destiny niya na iyon. She tried too much before, kung saan-saan pero laging hindi siya pumapasa. Baka dito siya talaga nababagay. Bahala na.

According to James, sabi raw ni Kaden ay may opening sa team nito. They specifically need one onboarding specialist at sakto daw ang qualifications niya dito. There is still no 100% assurance that she'll be able to pass everything just because Kaden is the team lead of that certain group. Hindi kasi ganoon ang sistema sa loob. Not all referrals could pass. Kaya kailangan pa rin talaga niya galingan.

And so on Tuesday, she went to Technohub to take the exam.

Liberty texted her in the morning, wishing her good luck.

BEHHH pagpumasa ka dapat 100% kang sasama sakin sa busan ha!!! NO BUTS NO IFS ha! GL BEH

Napangiwi siya.

Ok sige na nga was her answer. Pagbibigyan na niya ito. Besides, deep inside she wanted to go to Busan. Kung magkakatrabaho na siya ay mababawi din naman niya ang magagastos.

Goodluck, Tippy! Kayang-kaya mo yan! For sure, papasa ka dyan — yuon naman ang text sa kanya ni James. Napaka-positive thinker talaga nito. Eh good luck talaga sa kanya kasi ang banggit daw ni Kaden ay right minus wrong daw.

Katulad ng inaasahan, mahirap nga ang exam. Sukang-suka si Tiffanie lalo pa dahil bawal mag-calculator. Tinawag na lang niya lahat ng santong kilala niya para bulungan siya ng sagot sa math problems. Not to mention the logic part was pretty hard to. Hindi pala biro ang exam sa international company na ito.

Thirty minutes ang hihintayin para sa resulta. She waited in the lobby area that time. Ayaw niya kasi kumain dahil umiikot ang tiyan niya sa kaba. Together with the other applicants, she waited. Pagdating ng test proctor, isa-isa na silang tinawag. Thank God, when the paper was given to her, nabasa niya ang congratulations doon. That was the end of the first level, next stop was the interview with an HR employee. Napasa rin niya yuon.

So what she should aim for now is to pass the third level. Tapos, employed na siya. Friday yuong last interview kaya nagkaroon pa siya ng ilang araw para mapaghandaan yuon.

Pagdating ng Biyernes, bahala na si Batman ang inisip ni Tiffanie; si James naman ay inulan siya ng positivity bago pa man siya umalis ng INKD hanggang sa pagdating niya sa building. Text pa rin kasi ito ng text sa kanya.

Marcus

Without a doubt, you'll be able to pass the interview.

Marcus

Sisiw lang yan, nakarami ka na ng interview. Kayang kaya yan!

Under Your SkinWhere stories live. Discover now