UYS 22: Isla

386 24 16
                                    

Pagdating ni Tiffanie sa ikalawang palapag ng INKD, napansin niyang sarado ang banyo. She leaned towards the door and was able to hear the sound of the shower. Napa-buntong hininga siya at sumandal doon. Mamaya-maya ay napaupo na siya sa harap nito.

She was determined to play it cool. Siguro mas magandang manahimik na lang. Ang kaso, kinukulit siya ng nararamdaman niya, the same way when she saw Almirah's message in James' instagram before.

Hindi niya alam ang gagawin at hindi siya mapakali. She wanted to confront James about what she saw earlier but another voice inside her was telling her not to do so.

Pumunta siyang kwarto para kunin ang pantulog niya bago umupo sa couch sa labas. Duon na lang siya nag-isip habang naghihintay na siya naman ang makagamit ng banyo. When she heard the door opened, she saw him clad in his black boxers with a towel draped around his neck. Basang-basa ang buhok nito at pinupunasan na nito iyon.

Napatitig siya sa katawan nito at naalala ang pagyakap ni Almirah dito. Did he hugged her back? She wondered. Dapat pala hindi siya tumakbo palayo para nakita pa niya ang sumunod na ginawa ng dalawa.

"Tippy!" was James' first reaction when he saw her. Bumalik siya sa realidad nang marinig ang masayang tono ng boses nito. "Kakahatid lang sa'yo ni Erol?"

She shook her head and stood up. "Kanina pa."

Bakas ang bigla nitong pagkakataka sa sagot niya.
"E sa'n ka galing? Late na ah?"

Hindi niya ito sinagot.

Palapit na ito sa kanya nang siya naman ay dumiretsong banyo. Tinawag siyang muli nito ngunit hindi niya ito pinansin. She took a bath and prepared while she was trying to calm herself. Naisip niyang kakalma din marahil ang puso niya kapag nakaligo na siya.

Unfortunately, when she went out of the bathroom and headed towards his room, nothing has changed. May bumabagabag pa rin sa loob niya.

James was sitting on his bed. Pinapatuyo pa rin nito ang buhok. Naka-dekwatro ito at nakangiti sa kanya.

"O, kamusta kanina sa shoot?"

Her excitement in telling him her story has faded. Kung kanina siguro na pag-uwi niya ay nadatnan niya na ito sa bahay, marahil naikwento na niya ang nangyari. In other words, nawalan na siya ng gana magkwento at parang mas gusto niyang si Almirah ang pag-usapan.

"Ayos lang," she replied in a tiny voice.

Umupo siya sa tabi nito at kinuha ang sariling unan para yakapin.

"Ayos lang?" James chuckled. "Ganyan ba ang ayos? E ba't magkasalubong kilay mo?"

Hindi man lang niya napansin na nakasimangot na pala siya.

Hinawakan nito ang tigkabilang kilay niya na siya na naman lalong ikinainis niya. Gumapang na lang siya sa kama at dumapa matapos paluin ng malakas ang mga kamay nito.

"May problema ba?"

"Wala! Matutulog na ko," irita niyang sabi. She turned to her side and covered her face with her pillow.

"Ba't ang sungit mo na naman?"

Pakiramdam niya naiiyak siya sa pagkainis. Hindi niya maintindihan kung bakit ganuon na lang ang nararamdaman niya. Dati ay gusto niya hatakin palayo si Almirah kay Evan. Ngayon naman, pati kay James ay gusto na rin niya ito kaladkarin palayo.

Is this a sign of insecurity?

"Meron ka ba ngayon?" seryosong tanong nito na lalo nagpainit ng ulo niya. "Pang-ilang araw?"

Under Your SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon