UYS 04: Tippy

472 23 13
                                    

Tiffanie's heart skipped a beat when he heard his name. But of course, she's not thinking that he could possibly be the one for her. Kung ito kasi ang destiny niya at may forever sila, she's pretty sure that he's destined to annoy her for eternity. Ngayon pa nga lang ay itinutuloy na nito ang nasimulan.

"Bakit mo ko tinititigan?" iritang tanong niya dito habang paakyat sila sa hagdanan.
James was staring at her and it's making her feel uncomfortable. Para bang ang bawat galaw niya ay inoobserbahan nito. Sumasabay pa ito sa kanya at halos dikitan na siya sa paglalakad.

"Bakit? Bawal ba? Ikaw nga, hinayaan lang kitang titigan ako. Muntik na nga kong malusaw kanina," natatawa nitong sabi.

She let out a loud sigh. Ginaya naman nito iyon.

"Ano ba!" Sinamaan niya ito ng tingin.

He snickered. Pati ang pagtawa nito ay parang dumidiretso sa loob ng sistema niya at humahalo sa masamang emosyong nararamdaman.

Is this really the nice and friendly guy that Ford was referring to? She still couldn't believe that she'll be living under the same roof with him. Para bang ang tadhana ay gusto siyang paalalahanan ng mga pagkakamali niya nuong nakaraang buwan.

Gusto niya na itong itulak. Kung pwede nga lang talaga pero dahil mas malaki ito at walang dudang mas malakas kaysa kanya, naisip niyang yari siya kapag ito ang gumanti. Kapag siya ang binigwasan nito, tiyak tatalsik siya.

Pagdating nila sa taas ay dire-diretso siya papuntang kwarto. She turned the knob but couldn't open it. Nang marinig na may tumunog sa likod ay napalingon siya. Hawak ni James ang susi at winawasiwas ito sa kanya habang nakasandal ito bandang kitchen counter.

Hindi man lang niya sinabi agad! Bwisit, she thought to herself as she walked towards him. Aabutin na niya ang susi nang bigla nito iyon iniwas.

"Ano bang problema mo?!"

"Eh ikaw, anong problema mo? Bakit ba ang sungit-sungit mo sa'kin? Is this still because of that special glasses?" Nakita niyang tinago nito ang susi sa bulsa ng shorts nito.

Hindi niya ito sinagot.

Bababa na sana uli siya ng hagdan para tanungin si Ford ukol sa susi pero tumigil siyang maglakad nang magsalita ito.

"Wala kay Ford. Ito na 'yon, eh."

James was smirking again. Gusto niya na talaga itong sapakin. Hindi siya naniniwala dito pero nang masilip mula sa hagdanan na busy si Ford sa pag-tattoo ng kadarating lang na kliyente, hindi na siya bumaba para guluhin ito.

"Akin na kasi 'yan!" Tiffanie ran towards him and held his pocket. Inurong niya ang tela ng apron na suot nito. Nang ipinasok niya na ang daliri sa bulsa nito ay bigla itong pabirong umungol. Natigil siya at agad na lumayo dito. She was not able to get her room key.

Gusto na niyang magpapadyak sa inis pero napigilan pa niya ang sarili. In her 25 years of existence, she met quite a lot of annoying people. Akala niya ay nasanay na siya... pero nang makilala ito, napagtanto niyang marunong din pala siyang mapikon.

Ito ba talaga yuong lalaking nakasayaw niya? She cringed at this thought. Bakit ito pa? Napatingin siya sa ngiti nito at naalala ang malambot na labi nitong dumampi sa kanya nuong nakaraang buwan.

She hates to admit it, but she remembers that his kisses were hungrier, more passionate than Evan's. Bakit ganuon? Siguro dahil lasing lang siya nuon. Wala nga pala siya sa tamang huwisyo nuong panahon na iyon. She might just be imagining things out of longing.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now