UYS 11: Thank You

453 20 30
                                    

Tiffanie surrendered after finishing her second plate of food. Nuong una kasi, konti lang yung nilagay niya sa plato niya. But when James served her another set after she finished her first, hindi na niya napigilang ubusin iyon. Pinuno nito iyon ng dalawang parte ng manok, kalahating plato ng kanin at maraming garlic mashed potatoes. Hindi siya makaangal dahil ang sarap ng luto ni Vin.

"Kain ka pa," sabi nito nang kuhanin ang plato niya para lagyan na naman ng pagkain. Inagaw niya naman ito agad. Konti na lang ay baka ma-food coma na siya.

"Busog ka na ba?"

"Yung totoo, papatayin mo na ba ko bukas?" bulong niya dito.

He shot her a curious look. "Papatayin? What do you mean?"

"Ba't parang last supper ko na?"

When he laughed, the others stopped with their conversations and looked at them. Ang lakas naman kasi ng halakhak, agaw eksena. Pasimple niyang sinipa ito ng bahagya.

Tumikhim lang si James at siya naman ay napainom ng tubig.

Tita Tess was really talkative. Tila close na rin ito sa mga kaibigan ng mga anak. Dumating din nuong oras ng hapunan si Tito Bong. James really looked more like his father, si Vin naman mas hawig ng nanay; sa painting sa dingding pa lang ay napansin na niya iyon. Pero ang dalawa ay namana ang tangkad sa ama. He, too, was joining the conversation. Mas tahimik nga lang ito kung ikukumpara sa asawa.

"Paalalahanan mo itong si James na bigyan na ako ng apo. Ikinasal ka na, itong anak ko buhay binata pa rin!" sabi nito kay Pat.

"Ikaw naman, 'Wag mo madaliin si James sa pag-aasawa," the head of the family said. "Let him enjoy the single life."

"Don't worry, sabi ni James, soon, bibigyan niya raw po kayo ng sampung apo." Pat nudged his friend who gave him a sullen look.

"Si Vin muna," seryosong sabi ni James habang ngumunguya.

Natawa naman si Vin sa sinabi ng kapatid. "As if I have a girlfriend."

Sa naririnig ni Tiffanie na kwentuhan, nalaman niyang single din si Vin at kung hindi naman ito busy sa business ay madalas itong busy sa adventures.

Language instructors naman ang kababata ni James at ang asawa nito. Besides being an artist, Pat is also a Spanish instructor; si Miho naman Japanese ang tinuturo. She couldn't help but notice how sweet they are. Maasikaso si Pat sa asawa at si Miho naman ay ganuon din.

Nang tinanong ni Tita Tess kung kailan balak mag-anak ng dalawa ay sumagot lang sila parehas ng 'soon'. When they arrived earlier, Tiffanie thought that the kid with them is their son. Bagong kasal palang pala ang dalawa at si Kiel naman ay anak pala ng ate ni Pat.

Hindi naman siya na out of place sa mesa. Dinadaldal siya kasi ng mga ito. Medyo nahiya nga lang siya nuong usapan ay tungkol sa trabaho. It was Tita Tess who asked about it. Na-open topic na kasi ang ukol dito at inamin niyang unemployed siya ngayon. She said that she's still looking for a job and the others asked her about her preference. She honestly told them that currently, she prefers one that's different from her first. Pero hindi pa niya talaga alam, dahil so far, bumagsak na siya sa una. Willing raw ang mga kausap niya na tulungan siya kung hindi pa rin siya makahanap ng trabaho.

They mentioned about admin jobs, pati na rin yuong sa BTO. Yuong isang kaibigan daw kasi nila James na si Kaden ay team lead sa isang international company. He can refer her if she wants, that is, kung nawalan na siya ng choice at nag-desisyon na lang na bumalik sa dating trabaho.

Under Your SkinМесто, где живут истории. Откройте их для себя