UYS 19: Misjudgment and Apology

424 20 38
                                    

Instead of feeling refreshed, parang bangag si Tiffanie nang magising siya. She only had two hours of sleep. Paano kasi, andami niyang inisip magdamag.

When she woke up, it was still early. Pinili na lang niyang bumangon kahit inaantok pa siya. Gusto na rin niya kasing kausapin si James at itanong ang tungkol kay Almirah. Bababa na sana siya nang tawagin siya ng ina, na kakalabas lang ng kwarto.

"Anak, pwede ba tayo mag-usap?"

Bigla naman siyang kinabahan dahil iba ang tono ng boses ng ina.

She nodded and they went to her room. Duon sila sa kama naupo bago nito hawakan ang kamay niya at nagsalita.

"May narinig ako sa inyo kahapon ni Marcus."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"Po?"

Masyado ba silang maingay? Alam niyang busy ang kanyang ina at tiya na nanunuod ng teleserye nang oras na iyon kaya wala pang aakyat. Siguro ay hindi lang niya napansin na umakyat ito. That...or her mom was in ninja mode last night.

"May gusto siya sa'yo, hindi ba?"

Napako ang tingin niya sa duster ng nanay niya na may samu't saring kulay.

"Kahit hindi ko pa 'yon narinig. Naramdaman ko na rin pagkakita sa kanya."

"Pero 'Nay, kagabi ko lang po 'yon nalaman..."

"At tungkol kay Evan, may hindi ka pa sinasabi sa'kin."

She glanced at her mom. Nakatingin ito sa kanya at bahagyang nakangiti. Marahil siguro para mapilit siyang umamin.

"Kasi ho... ayoko lang na mag-alala kayo. Alam ko naman po kasi kung gaano niyo kamahal si Evan..."

Then she stated the reason of the break-up. Habang sinasabi niya iyon ay naluluha na naman siya. Mukhang paubos na ang mga luha niya dahil pakonti-konti na lang ang labas nito.

Her mom looked at her sadly. Parang awang-awa ito sa kanya. She knows that her mom is hurting too. Mahal nito si Evan bilang anak kaya panigurado ay nasaktan ito sa nangyari.

"Tiffanie, alam mo naman kung gaano ko kagusto si Evan para sa'yo."

Tumango siya habang nilalaro sa mga daliri ang laylayan ng damit niya.

"Pero kung hindi ka nila matatanggap dahil sa kung ano ka at kung anong meron ka, kalimutan mo na siya at ang pamilya niya. Masasaktan ka lang lalo sa kanya," sabi nito habang hinahawakan ang braso niya. "Kung ipaglalaban mo, hanggang kailan? Kaya ka ba niyang ipaglaban? Kung hindi, tama na."

She gave a small nod. Gusto niyang humagulgol pero hindi na niya magawa. Kumikirot na lang sa loob. Tila may pumipiga sa puso niya.

"Sorry, 'Nay," sabi niya dito.

"Ba't ka naman humihingi ng patawad?"

"Kasi hindi ko po sinabi agad... Pero sasabihin ko din naman po, humahanap lang po ako ng tiyempo."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Hayaan mo na 'yon, 'Nie, naintindihan ko naman," she smiled assuringly. "Si Marcus ba, may pag-asa sa'yo?"

Under Your SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon