UYS 20: The Right to be Jealous

413 20 41
                                    

In the next few weeks, Tiffanie focused on her job hunting.
Duon niya ginugol ang oras niya para kahit papaano ay magawang makalimot sa problema sa puso. Kesa naman magmukmok siya o hindi kaya tumulala sa pag-iisip sa mga nangyari.

Sabi nga nila, kapag busy ang tao, mas magagawa nitong mapabilis ang pagm-move on.

She attended job fairs. Bahala na lang muna kung ano ang makuha niyang trabaho, ang importante magkaroon muna ng pagkakakitaan.

Unfortunately, the odds weren't in her favor. Walang ni isang tumanggap sa kanya. May mga muntik na. First interview pasado, pero sa ikalawa, wala na. Sabi nga sa balita sa TV na nakita niya, maraming unemployed dahil hindi raw nagmmatch ang specific job skills sa inaapplyang trabaho. Maybe that's her problem too o baka sadyang malas lang siya talaga.

The credentials that she have weren't enough. Naalala tuloy niya ang paghihirap na pinagdaanan para lang maging Cum Laude sa university na pinasukan. She applied for a scholarship, hindi naman kasi kaya ng kanyang ina na bayaran lahat para sa kanilang dalawa ni Garnet. Si Tita Beth nga niya ang siyang tumutulong din sa kanila sa gastusin. Nang grumaduate ang ate niya, ito naman ang tumulong sa kanya.

Aminado naman talaga siyang hindi matalino. Pinagsikapan niya lang talaga para maging scholar at magkaroon man lang ng honor. She remembered the time when she heard one of her relatives talk about her, reunion iyon sa probinsya.

"Si Tiffanie, maganda 'yan, ipagtrabaho niyo na lang sa club sa Maynila, kikita pa 'yan ng malaki! Malay niyo, makasungkit ng mayaman! Si Garnet, pag-aralin niyo maigi, kitang-kita ang potensyal ng batang 'yan para mangibang bansa at umasenso! Madiskarte kasi."

Those were the words that she heard. Isa sa mga tita niya ang nagsabi. Hindi lang isang beses na narinig niya ang pagkukumpara sa kanila. Kesyo siya ang biniyayaan ng ganda pero mukhang walang patutunguhan at ang ate niya, hindi man raw kagandahan ay madiskarte naman.

Napakasakit iyon para sa kanya pero imbis na magmukmok, nagpursigi siya para galingan nuong kolehiyo. Nagawa naman niyang patunayan sa ibang kamag-anak niya na 'she's more than just a pretty face' at sinwerteng nakahanap din siya agad ng trabaho. Pero ngayon nasaan na siya? Hirap pa rin. Wala pa ring kinabukasan, hindi kagaya ng ate niya na may stable work at sariling pamily na.

She couldn't help but think of the comparison again. Nuong pag-uwi niya isang gabi galing sa isang job fair, hindi niya naiwasang magmukhang Biyernes Santo. Kulang na lang ay balibagin niya ang heels na hawak pagpasok ng INKD.

Napigilan nga lang niya ang sarili nang makitang may iilang bisita duon na mga hindi niya kilala.

Tila may pulong na ginaganap ngunit biglang napatingin ang mga ito sa kanya. Ford called her and introduced her to the guests. May isang babae duon na astig ang itsura, may tattoo sa binti na kita dahil maiksi ang shorts na suot nito. Tatlo naman duon ay mga lalaki. One looked a little formally dressed as compared to the two who were wearing shorts and T-shirts.

Agad napako ang tingin niya duon sa naka business casual attire. Maputi ito, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at kulay tsokolate ang buhok. He looked familiar. Ang pagkakaalala niya ay dalawang beses na niya iyon nakita.

Si Erol iyon, one of Evan's acquaintances.

Nakatingin din ito sa kanya. He looked pleasantly surprised to see her. But before he could possibly open any topic regarding Evan, she excused herself and went upstairs.

Under Your SkinWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu