UYS 06: Banana Milk

525 22 32
                                    

A week has passed, but it seems that luck was still not on Tiffanie's side. Sa dami ng pinasahan niya ay isa lang ang tumawag.

Nagpunta siya sa TV network company para sa isang interview. Almost everything went well. Ayos naman ang pagsagot niya sa interview at hindi siya na-mental block. Yuon nga lang, pagdating sa ikalawang interview, sinabi sa kanya na mas priority raw ang may background na sa ganuong klase ng trabaho. She was not accepted because of this reason.

"Mayroon na kasing mga napili kanina lang. Mga graduate ng film programs na may research experiences na. You seem to be intelligent, Miss. Your credentials are good. Unfortunately, I think this work is not for you," sabi ng huli niyang nakausap.

Paanong hindi na agad para sa'kin yung trabaho kung hindi niyo pa naman sinusubukan ang kakayahan ko? she wanted to say. Pero wala, wala na siyang sinabi. It was useless to point this out.

She wanted to curse at the interviewer who told her this. Gusto niyang imudmod dito ang nakasulat online na walang experience ang kailangan para sa trabahong ito. Tapos ngayon, biglang sasabihin sa kanya ang priority ay yung may background na?

She understood the reason; siyempre mas angat naman talaga kaysa kanya ang may mga experience na. Pero sana naman ay hindi na sila naglagay pa ng ganuon online. They should've posted that they prefer someone with a background on creative research. Ang paasa kasi ng nakalagay. Akala tuloy niya na mabibigyan talaga ng chance ang kahit walang background dahil may training naman.

Sawi siya agad sa unang interview. Dahil doon mas nag-isip-isip siya. Was her decision right? Baka mali na sumusubok pa siya ng trabahong lihis sa experience niya. But she has decided to do this because she's thinking of her future.

25 years old na siya. Ito yuong tamang panahon para mas piliin na niya ang daan na mas gugustuhin niyang tahakin.

When she was hired in an international company, nag-isip na rin siyang umalis dati pagkaraan ng dalawang taon. Hindi lang niya magawa; pera at hirap sa paghahanap ng ibang trabaho ang dahilan. Besides, the job was already her comfort zone. Pero para sa kanya hindi ito ang long-term job na gusto niya.

She doesn't want to get stuck forever in a BTO career. Para sa kanya, hindi fulfilling ang trabaho. Whenever a client thanks her, pakiramdam niya pilit lang. It's just like a part of etiquette. Hindi niya masyadong naramdaman na may ginagawa siyang magandang bagay para sa ibang tao. Besides, she thinks she was not well-appreciated in her team.

Sa ibang line of work siguro, duon mararanasan ang kaligayahang magsilbi sa customers. For example, if a chef gets complimented or he just simply sees the smile of the customers while eating, iba sigurado ang sayang mararamdaman sa ganon.
It's real fulfillment. Yuon din ang klase ng fulfillment ang hinahanap niya, hindi nga lang niya alam kung saan.

Iniisip na nga lang niya na may magandang rason ang tanggalan na naganap kahit na hirap siya ngayon. Wala naman kasi sa plano niya ang umalis doon ng walang kapalit agad na trabaho. She was problematic because this happened suddenly, hindi talaga siya handa. Now, she needs to decide on these things. Parang minadali naman siya ng tadhana.

She wants a job that really fits her. Kung ano iyon, hindi pa nga rin niya alam. But she's sure it's not in the same industry where she used to belong.

Ang magiging problema nga lang talaga ay pera. May last pay pa naman na darating, yuon nga lang mabilis na maubos ang pera sa panahon ngayon. She needed a job to pay the rent. May sakit pa ang nanay niya at tinutulungan niya ito sa gastusin. Her sister who's working abroad would send some money, pero hindi palagian yuon. May pamilya na kasi ang ate niya. Obviously, her priority would be her own family.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now