UYS 12: Rooftop Conversation

443 22 19
                                    

The next morning, Vin was in a hurry to leave. Nauna na itong kumain sa kanila dahil mamumundok pa raw ito kasama ang kaibigan, kaya naman ang mag-asawa na lang at si James ang nakasabay ni Tiffanie sa mesa.

"How was your sleep, hija?" tanong sa kanya ni Tito Bong.

"Okay naman po," sagot niya. Okay naman talaga kasi hindi siya mag-isa sa kwarto.

Corned beef with potatoes, sunny-side up eggs at garlic rice ang agahan. Pagkatapos niya sa unang round, ayun na naman si James at awtomatikong kinuha ang plato niya para punuin na naman ng pagkain. Gusto pa niyang kumain pero nahihiya siya dahil kagabi pa siyang maraming kinakain.

"Kain ka lang, Isla. Huwag kang mahiya," paalala ni Tita Tess.

It was a signal for her to eat more. Kaya ayon, naubos niya yung ikalawang-round, pagkatapos nuon ay ayaw na niya.

After eating, they prepared. Siya muna naligo tapos si James naman. Sa may veranda siya naghintay dito at duon siya nilapitan ng mommy nito. Kung anu-ano na naman ang topic nila hanggang sa mapunta sa kwento tungkol sa pamilya niya.

She was very honest when she told Tita Tess about her parents' separation. Wala naman dahilan para itago yuon.

"Marami nga talagang broken family sa panahon ngayon," sabi nito sa kanya pagkatapos bumuntong-hininga.

"Bilib nga po ako sa inyo ni Tito Bong, hanggang ngayon matibay pa rin po kayong dalawa."

Sa dami nga ng naghihiwalay sa mundo, madalang na makakilala si Tiffanie ng mga taong may buong pamilya. In their office, she has heard stories about separation and annulment. Ang pagkakaalam nga rin niya, si Jake din hiwalay ang mga magulang. Si Liberty naman, nuong nagkwento ay sabing "they're staying together for their children" lang ang mga magulang nito pero talagang hiwalay narin.

"Of course, no relationship is perfect, Isla. Andyan ang temptations at kung anu-ano pang problema. But if a couple is really determined to surpass everything, kakayanin nila. Commitment talaga ang kailangan at understanding. Yuon ang mayroon kami kaya hanggang ngayon, heto at magkasama pa rin kami."

Naalala na naman niya si Evan. She thought that he's committed to her, nangako kasi ito sa kanya ng maraming beses na siya lang talaga ang mahal nito at balak nitong pakasalan sa hinaharap.

"Ikaw naman ay nagka-kasintahan na, ano?" biglang tanong ni Tita Tess.

"Opo."

"Tiyak naman, eh kay ganda mong bata! I'm sure you have so many suitors, hija!"
nakangiting sabi nito.

"Nako, hindi po!" She said with a laugh. "Wala po akong manliligaw."

"Hindi ka ba nililigawan ng anak ko?"

"P-Po?" Lalo siyang natawa. "Hindi po."

"Malihim kasi si James. Isang beses pa lang 'yon nagpakilala ng girlfriend, dinala niya rin dito dati."

Tumango-tango siya sa narinig. She wondered what kind of girl she is, itong sinasabing naging girlfriend ni James. Ford mentioned that she's classy, model type din ang katawan. Mabait kaya ito, magaling magluto, maalaga...

Naputol ang iniisip niya nang makitang bumukas ang pintuan ng banyo. James emerged with a white towel draped over his waist. She's already used to seeing him half-naked, wala naman kasi siyang pakialam sa nakikita.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now