UYS 26: Still Not His

452 16 38
                                    

James originally planned to go back to Manila in the morning. Nag-text nga lang sa kanya si Pat kaya sa hapon na lang siya nagpasyang umuwi.

His friend invited him for lunch. Naghanda ang kasambahay na si Manang Pina ng Sinampalukan at may dessert pa silang fruit salad. Mayroon ding hilaw na mangga at bagoong sa mesa pero hindi niya iyon kinain.

"Miho likes it here. Mas tahimik daw eh, kaya tuwing weekend dinadala ko siya dito madalas," kwento ni Pat.

He looked at Miho who was currently munching on a slice of sour mango. Tumango-tango ito.

Pinag-usapan nila ang balak na art stall sa Bloomfield pati ang current projects ng Bulacan Artists Guild kung saan silang dalawa ay miyembro. At mamaya pa ay napunta na ang usapan tungkol sa kanya.

"So, how's Tiffanie?" asked his friend.

"Kayo na ba?" usisa ni Miho habang ngumunguya pa rin ng mangga.

Natawa siya. "Well... nope. Hindi pa kami."

Then, he did explain that they are in a somewhat complicated status.
Sinabi niyang balak niya itong ligawan hanggang sagutin siya. He vowed always to be there by her side no matter what happens. Kahit pa hindi siya nito sagutin sa huli.

Miho's eyes shined in amazement.

"Ang galing, may mga lalaki pa talagang katulad mo na martyr!" sabi nito sa kanya.

Kita niya ang pagsimangot ni Pat. "And what could that mean, Miho?"

"Chill, Pare. Mas martyr kasi ako kesa sa'yo kaya na-amaze si Miho," he told him with a smirk.

Bahagyang yumakap pagilid si Miho sa asawa. Mukha itong nagpipigil ng tawa.

"Umalis ka na, James! I should've not invited you," pabirong sabi nito. "Mamaya ikaw pa paglihian nitong asawa ko."

Natigil siya sa narinig at nang mag-sink in ang sinabi nito ay binati niya ang dalawa.

"So what would you name the baby?"

"Luna kapag babae at Gregorio naman kapag lalaki," Miho answered.

He felt a good kind of envy for the two. Ang saya siguro na magkaroon din ng pamilya. He could see that Pat, really is genuinely happy and he, too, felt sincerely glad for him. For James, his childhood friend deserves his happiness with his wife and soon-to-be child. Sa dami ba naman ng pinagdaanan nito sa buhay na masaklap, ngayon ay nakakabawi na dito ang tadhana.

After lunch, nagpaalam na siya sa dalawa pati kay Manang Pina. He also gently patted Miho's tummy and said "Bye-bye" to their baby. Flat pa ang tyan nito, wala pa talagang bakas na buntis ito.

Habang papunta sa sakayan, napapangiti pa rin siya. Pat, that playboy guy, has finally settled down for real tapos ngayon magiging daddy na. It was just like yesterday when they were just kids. Sabay silang lumaki at pati sa Bulacan Artist Guild, sabay din nilang nahasa ang kanilang talento. Parang kailan lang na kung sinu-sinong babae na tumatambay sa Dead Poets ang pinapakilala niya dito. Parang kailan lang din na parehas silang nagrebelde sa buhay.

Time really flies so fast.

---

When James arrived in Manila, the first thing he did was to buy flowers for Tiffanie. Hindi niya alam ang uri ng bulaklak na gusto nito kaya tinawagan niya si Liberty. Unfortunately, hindi rin nito alam kung ano ang gusto ng kaibigan. Wala daw itong nababanggit na gustong klase ng bulaklak. He just gave up and went to the flower shop owned by Pat's sister, Georgina. Saktong naruon ito ngayon at nagbabantay.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now