UYS 14: Embrace

423 20 26
                                    

When Tiffanie opened her eyes, it was already 3 in the morning. James was still beside her, nakayuko ito at tulog. Hawak pa rin nito ang kamay niya kaya nagising ito nang igalaw niya iyon ng bahagya.

"Kamusta pakiramdam mo, okay ka na ba?" tanong nito habang nagkukusot ito ng mata.

She nodded in response.

Nakalahati na niya yuong IV bottle. She felt pretty much okay, ginusto na rin niyang umuwi. Buti na lang at napayagan na rin siya.

The doctor prescribed plasil in case her vomiting continued. Indigestion raw ang malamang nangyari sa kanya kanina.

Inasikaso ni James ang pagpunta sa accounting division para magbayad. He was the one who paid for the hospital bills. Singkwenta na lang kasi ang laman ng wallet niya at umabot ng halos tatlong libo lahat ng bayarin kaya nangutang muna siya dito.

They arrived home at past four in the morning, nag-taxi lang sila uli pauwi. Pagdating sa taas, diretso silang dalawa sa kwarto. Pansin niyang inaantok si James, panay hikab kasi at mapungay-pungay ang mga mata.

He took off his filthy shirt and went straight to bed. Siya naman, nagbihis bago tumabi rito.

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at inangat iyon. She thought that James was already asleep.

"Masakit pa ba?" Tinutukoy nito yuong kung saan siya tinusukan kanina. Kani-kanina, naka-tapal yuong bulak na ibinigay sa kanya para lagyan niya ng pressure duon. Ramdam niyang medyo masakit pa rin ang ugat niya.

"Konti."

"Pitikin ko nga."

Agad niyang inalis ang kamay dito at sinipa ang binti nito.
James' laughter filled the room.

"Magaling ka na nga. Nananakit ka na, e."

She didn't respond. Tinalikuran niya ito at pumikit.

"Good mornight, Tippy," he whispered near her ear. She shivered a bit when she felt his stubble on her shoulder. Madali siyang makiliti sa ganuon. "Kapag sumama yung pakiramdam mo uli, gisingin mo lang ako."

Hinatak ni James ang kumot niya. She thought that this was yet another prank of his, inangat lang pala nito iyon para takpan ang balikat niya.

---

Paggising ni Tiffanie, wala na siyang katabi. She must have emptied her stomach last night so she felt so hungry when she woke up.

Pagdating sa kusina ay may nakahanda ng pagkain para sa brunch niya. Plano pa man din niyang magluto ng lugaw, naunahan na pala siya ni James.

In the middle of eating, she heard footsteps on the stairs. Si Ford iyon, pumunta ito ng kusina para kumuha ng maiinom sa ref.

"Gising ka na pala, Tif. I heard what happened. Okay ka na ba?" tanong nito habang isinasalin ang malamig na tubig sa pitsel duon sa baso.

"Akala ko isusuka ko na 'yung kaluluwa ko kagabi," natatawang sabi niya. "pero okay naman na ko ngayon."

He patted her shoulder and smiled. "Buti ayos ka na."

Tumango siya. "Oo nga pala, Ford, bago ako makalimot, babayaran ko na mamaya 'yung para sa ngayong buwan."

Naayos na niya kasi yuong mga dapat niyang i-budget at gastusin. Sa totoo lang, mas nakakatipid siya ng hindi inaasahan. Bawas kasi ang pamimili niya ng pagkain dahil 'damay' nga siya parati sa luto ng kasama. She contributes when he plans to cook for them, pero mas madalas hindi.

Under Your SkinWhere stories live. Discover now