Chapter Five

841 16 0
                                    


August 2015

Hindi din naman ako nakatulog agad kaya nagpasya akong bumangon na lang.

Hudas na Bartholomew na yan. Hindi pwedeng ganon nalang yun. Kailangan kong makaganti.

Agad akong lumabas ng silid namin at bumaba para pumunta sa empty space ng bahay namin.

It was supposed to be our personal gym pero hindi man lang namin naasikaso yun kasi sa sobrang pagka-busy. Hindi na lang ako papasok today at isi-set up ko na lang ang punching bag.

I'm an interior designer kaya hindi na bago sa akin ang gumamit ng barena at iba pang mga tools.

Mabilis lang naman gumawa ng pundasyon para sa pagsasabitan ng punching bag, yun lang may kabigatan pero nakaya ko naman sya na hindi humihingi ng tulong sa iba kaya natapos ko din agad ang gawain.

Papaakyat na sana muli ako sa silid namin para maligo dahil pawis na pawis ako ng mamataan ko ang napakahusay kong asawa sa kusina

Ni hindi man lang nya ako tinulungan?!

Pero he doesn't seem to care kung nandito ba ako. Nakakabit ang headphones at pakembot-kembot pa sya while his mixing a pancake batter. Yun lang nama ang alam nyang lutuin eh kaya alam ko.

I called him thrice. Pero hindi nya ako naririnig. Siraulo talaga.

Nang humarap sya sa ako ay nagiba ulit ang awra ng mukha nya.

Usually kasi, bakas ang kagaguhan sa mukha nya pero ngayon ay nginitian nya ako na para bang nasa isang toothpaste commercial sya. Kinindatan pa nya ako at nagkagat labi pa.

Kagaya kagabi, napalunok nanaman ako. Sinenyasan nya pa akong lumapit pero nanigas ang katawan ko at hindi makagalaw.

He pointed his index finger towards my direction and then bite the tip of it.

Pinagalaw nya yoon papunta sa jawline nya pababa sa leeg nya hanggang mapunta yun kung saan na very inappropriate.

Hindi ko napansin ng he's topless and wearing nothing but an apron that says: Lick Me.

I shook my head. Alam ko kung anong ginagawa nya. Inaakit nya ako dahil alam nya na yun ang kahinaan ko pero I can't lose on this game.

Bart has to learn his lesson for messing up with me last night. Hindi pwedeng sya ang mananalo dito.

I quickly turned around at nagmadaling umakyat papunta sa silid namin. Narinig ko syang tumawa habang papaakyat ako.

Humanda sya sa akin pagbaba ko.

----

Naging mabilis naman ako sa pagpalit ng damit. Buti nalang maagang umalis si RJ. Magagawa ko ang plano ko. Now, I'm ready. Humanda sa akin si Bartholomew.

I wore a very tight shorts and instead of wearing sports bra, I wore a very alluring red lingerie na galing sa isa sa mga paper bags na inihagis nya sa harap ko kagabi. I looked hot on this.

Tignan lang natin ang tikas ng Bartholomew na yan. Pero paano kaya nya nalaman kung paano pumili ng magandang lingerie?
Ah basta, tsaka ko na aalamin kapag ako na ang nanalo sa larong ito.

Bumaba ako ng hagdanan at nadatnan kong busy parin sa pagluluto si Bartholomew.

Sumipol ako nang mahina at agad namang syang humarap sa direksyon ko.

Halatang nagulat sya sa itsura ko. I know him. Nakita ko syang napalunok at mabilis nagiwas ng tingin. Huli ang kumag. Akala nya kasi kaya nya ako.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon