Chapter Seventeen

645 10 0
                                    

Presently trying to move on (for real)

Napakunot ang noo ko nang may nabasa akong report na hindi naasikaso ng kompanyang mga bagay. Sadyang tinambakan ko kasi ng trabaho ang sarili ko pati na rin ang mga empleyado ko. Gaya nga ng sabi ko, damay-damay na ito.
Wala silang magagawa pagkat ako ang boss kaya ako ang masusunod. Hindi ko na alam kung anong nagyayari sa akin. I don't even know na kaya kong maging evil boss. Maybe this is what love can really do to a person.

"Hoy putang ina ka, anong trip mo?!" Galit na bati sa akin ni Steffi sa pintuan palang ng opisina ko. Ni hindi man lang siya pumasok na tila ba wala siyang pakialam kung marinig ng mga tauhan ko ang bunganga niya. Halos mapatalon pa nga ako sa gulat sa lakas ng bibig niya. Inilapag niya sa harap ko ang isang folder. Ano nanaman kaya ang problema niya?

"O hudas, nagrereklamo na ang mga tauhan mo. Tinambakan mo daw silang ng trabahong tukmol ka!" Galit na sabi pa niya. Namimihasa yata ang isang ito porke't madalas ay pinagbibigyan ko siya.

"Sabi mo the more projects, the better tapos nagrereklamo ka?" Tanong ko. Kahit kasi palamura ang isang ito ay workaholic siya pero bakit siya nagrereklamo?

"Ulol mong putang ina ka! Sampung renovation projects ang tinanggap mo nung isang linggo. Ni hindi pa nga tayo tapos dahil madami pang nakabimbin nung nakaraan. Gago ka talaga! Kulang na kulang na nga tayo sa tao tapos halos patayin mo pang ang mga empleyado mo kakapa-over time mo!" This time, napatayo ako. Wala akong panahon makinig sa mga pang na-nag niya sa akin.

"What do you want me to do?! Tanggihan ko ang mga iyon?" Pasigaw kong balik sa kanya. Hindi siya nakaimik. Baka napagtanto niya na dapat hindi sinasabayan ang galit ko. Dapat lang.

Pero mukhang nagkamali ako. Akala ko nga papalabas na siya ng opisina ko pero hindi. Kumuha lang siya ng magazine at pagbalik niya sa harapan ko ay ibinato niya iyon sa mukha ko. May kabigatan ang magazine kay pakiramdam ko ay sinapak ako ng isang gangster. Nagdugo ang ilong ko.

"Hindi ikaw ang buntis dito para mag-tantrums ka ah!" Muling sigaw sa akin ng babaeng palamura. Hindi na ako kumibo. Minsan na kasi niya akong dinaan sa paiyak-iyak niya at ipinapakita pa niya iyon sa mga empleyado namin. Yung tipong nagpapaawa at mukhang inaapi ko siya.

"Naka-oo na tayo. Hindi naman pwedeng cancel ang projects." Seryosong sabi ko. Umupo siya harap ko at ininom ang gatas na dapat sana ay sa akin. Palamura na, matakaw pa. Buti na lang hindi siya gaanong lumalaki. May umbok lang ng konti ang tiyan niya but it wasn't that big.

"Sige. Kung gusto mong patayin ako sa pagtatrabaho, ayos lang sa akin. Kung kayang maatim ng kunsensiya mo nang ganon, ayos lang." Pangungunsensya pa niya.

"I think kaya niyo naman iyon. Our team is the best in this country kaya imposibleng hindi niyo matapos iyon. Lalo ka na." Pangungumbinsi ko pa sa kanya. Minsan talaga ay kailangan lang niya ng tamang pambobola.

"Eh bopols ka pa lang talaga eh. Madami tayong engineers, isa ka na doon. Ganun din ang architects. Pero putang ina kang gago ka, karamihan sa projects na tinggap mo ay pang-interior. Sino ba ang mga taga-interior dito? Ako lang diba?! Kapag hindi mo inayos tong letse kang Diether ka, magre-resign ako." Banta niya.

Maaring madalas ay wala siyang breeding kung magsalita pero alam kong seryoso siya kapag sinabi niya. Ni hindi ko masyadong napagaralan ang mga projects. Basta na lang kasi akong tanggap nang tanggap. Namama ko na yata ang kabobohan ng pinsan kong si Samonte. She was about to walk away nang tawagin ko siya.

"Steffi, wait!" I said. Lumingon naman siya at nakataas pa ang kilay.

"Ano?!"

"Do you have something in mind? I mean, para makatulong sa problemang ito. Kahit mag-hire ka ng mga talagalabas temporarily, ayos lang." Noon pa kasi niya sinasabi sa akin na mag-hire ng para sa department niya kaso ang mga sina-suggest ay parang lagi akong nakukulangan sa gawa.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now