Chapter Twenty (Final Chapter)

1.1K 21 0
                                    

Present just madly and deeply in love..

"Ajujuju, love na love ng Papang iyan eh. Ajujuju" nakasanguso pang sabi ko sa anak ko habang nilalaro siya. Tawa siya nang tawa habang nagba-bounce siya sa kandungan ko. I've never seen Bentley this giggly before. Dalawang linggo na simula nang magkasundo kami ni Rian.

Hindi parin niya sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit siya umalis noon pero kailangan pa ba iyon? Ayos na naman kami. Minsan ay tsina-tsansingan niya ako at ninanakawan ng halik pero okay lang pagkat kinikilig din naman ako.

Sobrang saya ko. Noong sinabi sa akin ni Rian na mahal niya ako, wala na akong pagaalinlangan at naniniwala ako. Nararadaman ko na iyon ngayon kasi pinipili ko nang hindi mag-doubt at magtiwala na lang sa pagmamahal na sinasabi niya sa akin.

Kahit na medyo distant, not in a hesitant​ way. I'm just giving her more space para kung sakaling handa na siyang magpaliwanag. I don't wanna pressure her. Ano ba namang magantay ako ng konti pa, pasasaan ba at maayos din ang lahat at makakasama ko na siya nang wala nang kahit anong tanong sa isip ko.

"Paps." Napatingin ako kay RJ na kakarating lang mula sa school niya. Nagbeso siya sa akin at hinalikan sa noo ang mga kapatid niya.

"Si Mamang?" Nakangiting tanong niya sa akin. She seemed happy. I'm happy too. Simula nang magka-ayos silang magina ay naging maaliwalas ang itsura ni RJ.

"May aasikasuhin daw eh. Heto nga, sa akin pinabantayan ang mga kapatid mo." Tugon ko sa kanya at muling nilaro si Bentley. Nakita kong kinarga na lang din ni RJ si Alfa mula sa crib. Kanina kasi ay ayaw niyang magpakuwa sa akin mukhang nayayamot kaya si Bent nalang ang nilaro ko. Buti naman at sumama siya sa ate niya.

"Lolo Pops called yesterday. Ang sabi niya wala naman daw siyang pinapagawa kay Mamang. Saan ka iyon nagpunta?" Muling tanong ni RJ. Napakunot naman ang noo ko. Ayoko namang tanungin siya at baka isipin niya na pinangungunahan ko ang takbo ng relasyon namin na umuusbong pa lang uli. I fetched​ my phone and texted Rian where she is right now. Wala pa sigurong limang minuto ay nag-reply na siya.

"Nasa pharmacy. May binibili lang. Bakit?"

"Wala lang na-miss kasi kita. May sakit ka ba?" I texted back. Para kasing may naramdaman akong kung ano sa loob ko nang sinabi niyang na sa pharmacy siya.

"Don't be so cheesy Bartholomew. Bumili lang ako ng feminine wash. I'll see you later. Love you.
Ps. I miss​ you too. And everything underneath your clothes." She replied. Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa bulsa ko bago pa iyon makita ni RJ.

Loka talaga siya. Wala sa lugar maglandi. Alam naman niyang kasama ko ang mga anak namin ngayon.

"Papang! Namumula ka, may sakit ka ba?" Biglang tanong sa akin ni RJ at ako naman ay napapitlag sa biglaan niyang pagsigaw. Patay. Mukhang nagtatakha na ang dalaga ko sa biglaang pagiiba ng kulay ng balat ko ngayon. Kasalan ito ng Mamang niya.

"Ah, wala naman anak. Nag-text kasi si tito Samonte mo. Alam mo naman, isang text lang noon ay umiinit na agad ang ulo ko. Sa sobrang galit ko namumula talaga ako." Pagpapalusot ko pa. Tumango naman siya. Nakahinga ako nang maluwag nang naniwala siya sa mga palusot ko.

"Oo nga pala, dumaan ako sa office nila tita Steffi. Sila pala ni tito Marvin? Hindi naman siya nag-explain kasi tinatamad daw siya. Wait​, kunin ko lang sa bag iyong invitation." Muki niyang ibinalik sa Alfa sa crib at pagkatapos ay kinuha siya mula sa bag niya. Iniabot niya iyon sa akin at siya namang kumarga kay Bent.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now