Chapter Eighteen

755 15 0
                                    

Presently dumbfounded

Walang laman ang isipan ko kung hindi ang katanungang 'anong ginagawa niya dito at bakit siya ang kasama ko.' I bet babaeng palamura has something to do with it. Siya ang dapat ang kasama ko hindi ang babaeng dahilan kung bakit ilang araw na akong nayayamot.

Ang nakakainis pa sa lahat ay ngiting-ngiti pa siya sa akin na akala mo'y wala siyang pagkakasala sa akin. I think​ this woman is really evil from the inside at hindi ko lang iyon napansin sa nagdaang panahon dahil magaling talaga siyang mang-deceive ng tao. Oo tama, iyon nga ang ginawa niya sa akin. Ginamit niya ang itsura niya para linlangin ako.

"What do you really want huh? Rub it to my face that I'm not the only man in your life. Is that it? Is that why you're here?" Inis na tanong ko kay Rian nang makapasok na kami sa eroplano. Natigilan siya at nabura ang ngiting kanina pa nakapinta sa mukha niya. She looked away and sigh. As if siya pa talaga ang nakukunsumi sa sitwasyong ito.

Mabuti na lang at sa business class kami ipina-book ng babaeng palamura at kahit papaano ay may space kami ni Rian sa isa't-isa. Hindi ko pa natatawagan ang babaeng palamura para tanungin kung bakit si Rian ang kasama ko ngayon dito at hindi siya.

Humarap sa akin si Rian at ngumiti nga pagkatamis-tamis. Akala siguro niya ay kaya niya pa akong idaan sa mga ganun-ganon niya. Kung inaakala niya cute siya—tama siya. I know it's part of her deception, ang mala-mukhang anghel pero sa loob—ayoko na lang mag-comment.

"You're cute when you're acting that way Bartholomew." She gave me a peck on my cheek and slyly smiled at me at pagkatapos noon ay naupo na siya na parang walang nangyari. I was really dumbfounded with what she did. That woman! As if she's really enjoying my annoyance. Nakakainis!

Pero mas pinili ko na lang na hindi na lang kumibo at wag na lang siyang pansinin hanggang matapos na lang ang lahat ng ito. Naupo na rin ako sa tabi niya and put my headphones on. Bahala siya at hindi ko siya kakausapin hanggang matapos ang business trip na ito. Total naman ay 'business' naman daw ang dahilan kung bakit siya nandito ayon sa kanya. It's actually more than fine with me. Basta wag lang niya akong kukulitin at baka hindi ko na siya matantya.

I closed my eyes and tried to to get a nap. Ilang araw na rin akong halos walang tulog. Ginusto ko naman kasi iyon para kalimutan ang babaeng siya naman ngayong katabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan ako nang ganito. All I wanna do is to forget her just for a little while pero heto siya at kasama ko ngayon. Parang nanadya na ang pagkakataon.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko makuha ang idlip na inaasam ko. Paano ba naman, ramdam na ramdam kong nakatitig sa akin si Rian. Parang ayaw talaga niya akong mapanatag. Binuksan ko ang isang mata ko at tama ako. Titig na titig nga sa akin ang babaeng hindi kaputian. She was all smiles. At ang nakakainis ay parang gusto nanamang bumigay ng katawang lupa ko sa kanya. Pumikit na lang ako at hindi ko na pinansin ang pagpapa-cute niya sa akin.

Naalala ko tuloy ang masquerade party kung saan nakasama ko siya nang huling beses. She said the she was still madly in love with Bartholomew Martin Wallace III. Kaya nga ako bumigay sa kanya noon. Akala ko totoo. She didn't even know I'm the man behind the mask and yet she slept with me.

Napangiti ako nang mapakla sa mga naalala ko. What a deceiving person that she is. Siguro ay hindi niya talaga totoong nauunawaan kung ano talaga ang salitang love. Siguro din ay madalas niya sabihin iyon sa mga lalaking nakakasama niya. And hurts me even more. How I wanna hurt her feelings so bad para lang may idea siya kung anong nararamdaman ko. Ni wala siyang alam kung gaano nagdurugo ang puso ko ngayon at gusto kong sapakin ang thoughts ko sa mga pinag-iiisip nitong kabaduyan.

Bigla kong naramdaman na kinalabit niya ako. Hindi ko siya pinanapansin at nanatili akong nakapikit parin. Hindi pa siya nasayahan at paulit-ulit niyang ginawa iyon. Sa inis ko ay napabalikwas ako.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon