Chapter Fifteen

567 12 0
                                    

Presently Don't know what to do

"The meat was really tender. This beef stew is really a bomb!" Steffi exaggeratedly said. Napapataas na lang ang kilay ko sa mga sinasabi ng babaeng palamura. Beef stew? Kaderetang baka lang, beef stew? Ganito talaga siya makapagsalita kapag may kaharap na ibang tao. Kakaiba din siya magbihis.

Mapagkunwari siya. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako man ang nasa katayuan niya ay ikukubli ko din ang tunay na ako. Bukod sa palamura na, may pagka-salaula din kung minsan. Pero katulad na lang kapag may client kami, mistulang karispe-respeto ang peg niya, parang ngayon.

Simula nang dumating kami dito ay hindi pa naawat ang pagi-english niya. Sinama ko na lang siya dito pagkat hindi naman kakayanin ng kunsensiya ko kung may mangyari sa kanila ng inaanak ko. Humilab kasi ng tiyan niya kanina.

"I'm glad you like it. Si manang ang nagluto tumulong lang kami ni RJ." Alangang sabi naman ni Rian. Alam ko namang hindi siya kumportable sa sitwasyon namin ngayon pagkat biglaang sinama ko dito ang babaeng palamura.

Things wasn't supposed to go this way, pero nang dahil sa bwisit na pagtawag sa akin ng lintik na pinsan kong si Samonte ay nagkanda-letse-letse ang lahat. Hindi sana ako magpapasama sa babaeng palamura na ito. Hindi sana sasakit ang tiyan niya at hindi ko sana siya dinala dito.

Hindi ko naman kayang pabayaan si Steffi knowing na ganun ang kalagayan niya kaya nagpasya akong isama nalang siya.

"Papang!" Bumaling sa akin si RJ. She looks giddy. It's been awhile since I last saw excitement in her eyes.

"Yes, anak?" Tanong ko.

"I just wanna ask, kung puwede lang... I wanna stay with for a couple of days. I'm sure Mamang won't mind." RJ said.

"Nagpaalam ka muna sa Mamang mo. Kung sa akin lang ay walang problema. Rian?" Baling ko sa nanay ng anak ko.

"We haven't talked about this. Maybe later Bernadette." Tiim na sabi naman ni Rian. I know something was up. Bibihira kasing tawaging nang ganun ni Rian si RJ. Walang nagawa ang anak ko kung hindi mapasimangot at hindi na umimik.

Namayani ang katahimikan sa hapag pero tumikhim ang babaeng palamura kaya napunta ang atensyon namin sa kanya. Kung minsan talaga ay mapaghangad talaga siya ng atensiyon.

"Rian, I just wanna ask you. Okay lang ba talagang nandito ako ngayon? Ayoko ko kasing maging awkward tayo. Alam ko naman that you're friends the Bartholomew kaya kung puwede sana, I wanna be friends with you as well." Pa-sweet na sabi ni Steffi. Nagkanda-ubo ako pagkat hindi ako sanay na ganun siya. Ngumiti naman sa kanya si Rian.

"Oo naman. Everything that Bart and I have been through is all in the past now. Of course, paguusapan namin at adjustment ng custody for the kids but that's it. You have nothing to worry about anything, Steffi." Sabi naman ni Rian. Hindi ko alam kung nagkakamali lang siya sa sinabi niya pero dalawa kaming napatingin ni Steffi dahil doon. Sa huli ay isinawalang bahala ko na lang pagkat baka namali lang talaga siya nang sinabi.

"Tita. You're glowing. Are you in love?" Biglang tanong ni RJ kay Steffi. Ngumiti lang ng matamis sa kanya ang babaeng palamura.

"Uhm Beh. Actually, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo..." Hinawakan pa ako ni Steffi sa kamay at ako naman ay napatingin sa kanya. Ano naman ang paandar ng isang ito ngayon? Babaeng palamura just smiled at me na parang may iniisip siyang evil plan. I just questionably looked at her.

"... I'm pregnant." Pagpapatuloy pa niya. Akala ko naman kung anong sasabihin niya, iyon lang pala. Pero mukhang ako lang ang hindi nagulat sa sinabi ko pagkat narinig ko ang magina kong napasinghap. Rian looks shocked though she tries to hide it. Ganoon din naman ang anak ko.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora