Chapter Thirteen

552 11 0
                                    

Presently hopeful

She's sitting on the bar stool drinking alone. I slowly walked towards her direction. I don't wanna startle her.

"Rian" bati ko, pero kahit anong dahan-dahan pa ang ginawa ko ay parang walang silbi pagkat bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha niya.

"Ba- Bart" nauutal pang sabi niya. Mukhang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon dito.

Naupo ako sa tabi niya at hindi ko na inantay pang bigyan niya ako ng permiso. Bakit, sa kanya ba iyon?

Napansin kong mabilis niyang naubos ang iniinom kaya um-order pa ako ng isa pang bote ng beer para sa kanya. Nagulat pang si Rian sa ginawa ko. Dati kasi, ako ang unang-unang tao ng nagpipigil sa kanyang uminom ng kahit anong may alcohol pero mukhang kukulangin pa sa kanya ang ang isang bucket ng beer.

"What are you doing here? Sinong kasama ng mga bata?" Hindi ko mapigilang tanong ko.

"I'm just here to unwind. May nangyari kasi sa bahay. Si Mrs. Cruz, yung kapit bahay ko. Sa kanya ko hinabilin ang mga bata dahil sabi ko magpapahangin lang ako." Tugon niya.

"Well, this is quite place to breathe. Loud music, crowded with shallow people" biro ko. Buti nga sa parteng ito ay nagkakarinigan pa kaming dalawa ng maayos. Hindi siya natawa sa sinabi ko. Malungkot ang mga mata niya at tila may bakas ng lungkot.

"I'm sorry Bart. Hindi ko naman sinasadiya. Napagbuhatan ko kasi ng kamay si RJ. Nasagot niya kasi ako kaya hindi ko napigilan. I should've been one who understand, but I lost it" she confessed.

Wala akong sinabi pagkat wala naman akong masabi. I just looked at her, and it looks like she's about to cry anytime now.

Ano kaya ang ginawa ng batang iyon? I know RJ is mad at her mother because of what happened to our family pero never naman niyang sinagot si Rian, at para mapagbuhatan ng kamay ni Rian ang anak namin? Something must have happened.

Hinawakan ko ang kamay niya ay pinagkatitigan. Ayokong ma-misinterpret niya ang mga sasabihin ko sa kanya.

"Tell me what happened. Anong nangyari? Bakit ka nasagot ni RJ?"

"Because I am a bad mother. Last night, we went to this masquerade ball. I totally forgot about her. Buti na lang may nagmagandang loob na naghatid sa kanya sa bahay at hindi siya napahamak. And now, she doesn't even wanna talk to me" muli tinungga ang bote ng beer at halos mangalahati iyon. Ang lakas niyang uminom.

Of course she'd forget about our daughter. She was with me last night and it looks like she has no idea that I'm the man behind the mask. Wala siyang kaalam-alam na she just spent a night with me.

"Don't think of it that way. Kasalanan ko din. I wasn't there to guide her kaya siguro lumalaking suwail iyang anak mo." Sabi ko.

Talaga namang kasalanan ko. Kaya naman pala sila nag-away magina ay dahil sa akin. Rian was with me, buti nalang I texted Steffi at siya na ang maghatid kay RJ sa bahay nila Rian. Tsaka ko na lang siguro sasabihin sa kanya ang totoo pagkat ayokong sumabay sa mga pinoproblema niya.

"Kasalanan ko kaya wala ka doon para gabayan siya"

"Please, let's not go there" sabi ko. Batid kong hindi pa din naman siya handang sabihin sa akin ang mga nangyari sa nakaraan. I won't force her to do that. Maybe if the right time comes, hindi lang ngayon. Alam kong masasagot din ang lahat ng katanungan sa isip ko mula sa nakaraaan.

Tumango siya at ako naman ang hinawakan niya sa kamay.

"Bart, samalat ah. Kahit na hindi maganda ang nangyari sa nakaraan natin, inuunawa mo parin ako. Sana dumating ang panahon na masabi ko sa iyo ang lahat-lahat." Sabi niya. Alam ko na naman iyon. For now I just wanna with her for the times like this.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now