Chapter Eleven

502 11 0
                                    

Presently deceiving

Naging maayos naman ang naging pagharap namin kay Mrs. Darlrymple nang kinahapunan din ng araw na ito at mukhang hindi naman siya nagduda sa pagpapapanggap namin ni Steffi sa umano'y engagement namin.

Tinignan niya lang ako lang ako mula ulo hanggang paa na para bang minamata niya ako. As if naman na may pakialam ako. Kung nakatingin ang matanda sa akin ay parang gold digger ako. Again, wala akong pakialam.

Imbes na laitin niya ako at offer-an ng pera para layuan ang anak niya na parang sa mga teleserye (which is inaantay ko. I just wonder how much can she offer me just for me leave her daughter.)

Of course tatanggapin ko ang perang iyon. Hindi naman talaga kami ni Steffi, ano ba naman kung maambunan ako ng grasya niya di'ba? Balita ko malaki din ang nakuha ni Mrs. Dalrymple when she legally separated all her assets from Don Fernando Dalrymple, though apilido pa rin ng nasirang Don ang gamit niya.

Nagantay ako pero walang dumating na offer. We ended up going to this damn party. Akala ko nga ay hindi na matutuloy ang pagpunta namin dito because I was expecting all the dramas and stuff pero wala naman dumating.
Naikwento ko din kay Steffi ang nasa isip ko. Tulad ko, wala rin siyang pakialam pero nanghihinayang siya sa io-offer sa akin ng mama niya. Sa inis namin, nagpabook kami ng dalawang presidential suits, tag-isa kami. Three hundred thousand ang isang gabi, dito sa hotel na pagdarausan namin. At sa pangalan ni Mrs. Dalrymple nakadiretso ang bills namin.

Tawa ako nang tawa sa ginawa ni Steffi. Mukhang may galit talaga ang babaeng palamura sa nanay niya kaya balak niyang bwisitin ito. Although we both know na barya lang ito sa kanya.

The moment she entered that door, alam ko na agad kung sino ang babaeng iyon. Nakamaskara man, I will never ever forget how that pouty lips looks like. All I can see is that puckered lip wearing that red matte paint on it. It even haunts  my dreams for more than eighteen months now, kaya paano ko makakalimutan ang itsura ng labi na iyon. Idadag pa ang nunal niya sa kanang bahagi ng baba niya. Alam na alam ko kung sino siya.

When I approached her, ni hindi man lang niya ako nakilala. Sa tagal naming nagsama, ni hindi man niya nakilala ang boses ko. Yes, I purposely change the way I speak pero dahil lang doon, hindi na niya ako nakilala?

O baka naman matagal na talaga ako burado sa sistema niya kaya ganoon. Kung sa bagay, noon man ay madali na para sa kanya kalimutan ang lahat. Ganoon nga lang, kung iwan niya ako noon. So ano pa ba ang aasahan ko?

Nakakainis naman kasi ang babaeng palamura. Napaka wrong timing talaga niya kahit kailan. I almost got the answers that I've been wanting to hear for months, pero kailangan niya pang dumating at sirain ang lahat. She almost reveal who I am behind the mask I'm wearing, buti na lang at naging maagap ako.

As I took another shot of that ducking sheep tequila. Ni hindi alam ng babaeng nasa harapan ko kung gaano niya ako sinasaktan sa ginagawa niyang pakikipag-flirt sa lalaking maskara. Ano kaya, mang-trip ako tapos magulat siya na ako pala ang lalaking buong gabi niyang nilalandi. I bet the scenario would be epic. Her expression would be priceless.

Pero hindi pa. This is not the time for that. I have to be focused at kailangan kong magawa ang pakay ko, which paaminin siya. Kailangan kong gawin iyon, for me to move on. Hinding-hindi ako papadala sa pagpapa-cute nang babaeng ito.

Kanina nang umiyak siya, nanghina nanaman ako. Parang nahawakan ko ang kryptonite ni superman. Kaya nga pilit ko siyang pinapatawa sa mga pick-up lines kong nakuha ko kay Samonte. Alam kong makukuha ko din ang nais ko nang hindi sya pinapaiyak.

Habang busy akong kapapa-cute sa babaeng na walang ginawa kung hindi mag-iwas lang ng tingin dahil hindi niya kinakaya ang pick-up lines ko. As if hindi ko alam na nagba-blush siya sa mga pinagsasasabi ko.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt