Chapter Ten

535 11 0
                                    

Presently trying to forget the past

Nakarakating na kami sa venue ng naturang na party at masasabi kong mukhang napaghandaan ngang maigi ang party na ito. Unti mo amg guard na nagi-inpect ng invitation ay naka maskara rin.

Ipinakita ko ang invitation at agad kong hinatak si RJ papasok sa loob. The theme was like a Victorian era slash phantom of the opera. Most of the people wearing black and burgundy. Kahit medyo madilim ang mga kulay na ginamit, I find it really appealing and intruiguing. Kahit dark ang shade, ang sarap tignan nang paligid.

Mas masarap din sana kung nandito siya. Siguro I wouldn't feel lonely, hindi katulad ngayon na para akong timang at nagiisa. Si RJ nga ang kasama ko pero daig ko pa ang nagsama ng stranger dahil hindi man lang ako kinikibo ng anak ko. Pumwesto na lang kami ni RJ kung saan.

Everyone seem having fun while me, well, to be honest hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung sinong lalapitan para kausapin dahil sa bukod sa wala akong kakilala dito ay halos lahat ng tao nakamaskara.

RJ let go of my hand at akmang paalis na nang hatakin ko ang braso niya.

"Anak, saan ka pupunta?" Tanong ko. Sa totoo lang pinigilan ko siya dahil ayokong magisa.

"Mamang, would you please relax. Kukuha lang ako ng iinomin. Jeez!" Naiiritang sabi niya pa. Nabuntong hininga ako. Walang akong magawa but to let go of her hand. Ni hindi niya maitago ang pagkairita sa presensiya ko.

Is this because of me again? Nang dahil ba sa akin kaya siya nagkaganito? She used to be a very sweet ang loving girl. Ni ayaw niya akong mawala sa paningin niya noon. Pero ngayon, halos ipagtabuyan niya na ako. She was never like this two years ago.

Buti na lang at may mga waiter na naglalakad sa paligid at may dalang drinks. Nakailang kuha ako ng wine pero hindi pa rin bumabalik si RJ sa pwesto namin. Naging busy din naman ang lahat ng tao sa paligid at hindi nila napapansin na may isang katulad ko na magisa at walang kasama kaya napagpasya ako na sa alak na lang ibunton ang lahat.

"Why is it a beautiful girl like you so alone in the dusk of the night like this?" Napapitlag ako nang may nagsalita sa tainga ko. His voice instantly sends shiver down my spine. Ang sarap pankinggan ng boses ng lalaking ito.

Clearly, I don't know this guy. He's a black mask that covers his eyes down to his nose. He's a white tuxedo with black bowtie.

Hindi ko siya mamukaan but he seems familiar. Siguro sa kadiliman ng lugar. All I can say is he has clean cut hair and a minty breath.

"I'm sorry sir, but do I know you?" I asked.

"Maybe. Maybe not. I don't know. Why don't you remove your mask so that I can see you?" Suhestyon pa ng estranghero.

"I believe that was beyond the rule" sabi ko.

Napanggap na lang akong may ganoong rule nga miske wala naman talaga. I don't know this man. Kahit na mukhang napaka-gwapong nilalang niya sa kabila mg pagkakatabing ng maskara sa mukha niya ay hindi ko magawang magtiwala sa kanya ng ganoon kabilis.

Mukha namang naniwala siya at hjindi na iginiit pang tanggalin ang maskara ko.

Natawa na lang sya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Yung pakiramdam na nakaka-miss ito kahit na first time ko lang naman iyon narinig.

Napahawak ako ulo ko ng makaramdam ako ng hilo at medyo umikot ang paningin ko. Mukhang naparami na ang paginom ko ng wine.

Naramdaman kong may pumalibot na braso sa bewang ko at sinalo ako.

"Miss, are you alright?" The stranger said again.

"I'm fine. Medyo nahilo lang. Masyado kasing crowded ang lugar"

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now