Chapter Seven

639 12 0
                                    

Presently Fooled

I don't know how, all I know is sya ang unang umayaw.

Like what I promised to her before, kung yun ang magpapasaya sa kanya, sige tatanggapin ko. Without second thoughts, nang sinabi nyang ayaw nya na, I let her go. Kahit masakit. I tried to ask her why, pero hindi naman ako nakakuha ng matinong sagot sa kanya. She just said na hindi na sya masaya sa relasyon naming dalawa kaya she's moving out.

Ayaw ko namang gawin nya yun, I thought naguguluhan lang sya. I've decided to give her space.

I moved out of the house. I gave her the space that she needed. Ang mga araw na naging linggo hanggang sa naging buwan. I thought that was enough.

When I came back, akala ko magiging ayos na ulit kami, hindi pa pala. Hindi na pala. And that was the biggest bitch slap that I've ever gotten from her.

Sana pinatay na lang nya ako noon habang natutulog ako o kaya naman ipinabugbog na lang nya ako sa mga goons ng tatay nya.

Masakit. Sobrang sakit. Parang kasing sakit noong namatay ang anak namin. Parang sumariwa sa pakiramdam ko.

Despite all the that she have done, kahit gustuhin ko pa ay parang hindi ko magawang magalit sa kanya. I wanted to. I wanna slap her, hit her katulad ng ginagawa ng mga bidang lalaki sa mga binabasa nyang nobela sa online.

At least kahit mga tarantado ang mga bidang lalaki, they ended really happy.

Ako?, wala ako ginawa kung hindi ibigay lahat ng gusto nya.

Katawang lupa ko sa kanya. Love? Hindi pa ba sapat na sa kanya lang ako at ipinaparamdam ko yun sa kanya. I may not say it often pero hindi nya ba nararamdaman yun? I wanted to understand her kung bakit pero ayaw nya na talaga

One time, Samonte tried to pay a woman just to allure me to get even, dahil sa ginagawa kong pangaasar sa kanya, pero wala.

Mukha pa rin ng asawa ko ang nakikita ko sa babaeng nakapulupot ang katawan sa akin, kaya I ended up going home to her and confessed what happen.

Niyakap pa nga nya ko and the then thanked me for my devotion and loyalty.

Pero sya, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Ni hindi nya sinabi sa akin kung may nagawa ba ako o ano. She just call it quits. Na wala na, ayaw na nya.

Wala akong nagawa when she let go of my hand. Ang masakit lang, pagka-let go nya sa akin ay sa ibang kamay naman sya humawak.

I was never a perfect husband, but who is? Kung may perpektong pagsasama lang, edi sana hindi na naimbento pa ang annulment at divorce.

Not that we needed that. In our situation, once the other let go, yun na. Wala ng lingun-lingon pa, tapos na ang usapan.

Hindi naman as naniniwala ako sa forever pero sana man lang kahit ang pang-habang buhay na
sumpaan namin sa harap ng Diyos ay natupad, pero pati yun ay mistulang kasinungalingan lamang.

Ang masakit pa, akala ko makakaramay ko si Samonte sa samahan ng mga walang asawa. Sakto namang nagkabalikan na sila ni Lilian na lalo nagpadoble sa nararamdaman kong sakit.

How can Samonte have that second chance with Lilian? Eh gago naman sya.

Sana naging walangya na lang akong asawa. Atleast, mas madaling matanggap kung hihiwalayan nya ako.

Sana kasi totoo na lang ang lahat nang sa gayun ay hindi naging madali para sa kanya ang iwan ako. Pero ang mumunting pagasang pinanghahawakan ay pati yun, hindi din totoo. Sa isang tawag, natapos ang lahat.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now