Chapter Sixteen

571 9 0
                                    

Presently deceived again...

"Aray naman. Can you be little bit more careful? Masakit na nga yung sapak ng psycho ex dinidiinan mo pa." Reklamo sa akin ni Marvin sa paraan ng panggagamot ko sa sugat niya. Sa inis ko ay lalo ko pang diniian. I've had a long day at wala akong oras para sa kaartehan niya.

"Umuwi kana. Wag ka munang magpapakita sa akin baka ako na mismo ang sumapak sa iyo sa susunod." Yamot kong sabi sa kanya. Ang kapal ng mukha nilang dalawa ni Bart na gumawa ng iksena sa harap ng bahay ko.

Kung alam ko lang na magiging disaster ang araw na ito eh di sana hindi ko na lang inimbitahan si Bartholomew para mag dinner dito sa amin ngayon. I feel like I'm physically and emotionally drained right now.

"Teka, bakit parang ako ang may ginawang masama dito? Have you seen my face? He almost ruined it. I think I should sue him. Yeah​ that's right, I'll sue him!" Muli ay hinarap ko siya. Mukhang hindi pa sapat ang nangyari sa kanya ngayong araw at naghahanap nanaman siya ng panibagong kabwisitan na maaring ibigay sa akin. Nanlisik ang mata ko. Pakiramdam ko gusto ko siyang paslangin sa mga sandaling ito.

"Ri... Adrianne! Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. It creeps me out." Kinikilabutan pa niyang sabi.

"Umalis ka na kung ayaw mong balatan kita ng buhay!" I hissed. I've had enough at baka nga may magawa akong hindi maganda sa kanya kapag hindi pa siya umalis. Talagang mas lalo pa niyang pinapainit ang ulo ko sa mga pinagsasasabi niya.

"Okay fine. But before anything else, gusto ko lang malaman... Sino iyong babaeng kasama ng ex mo kanina? Nakita ko magkahawak pa sila ng kamay nung umalis ha." tanong niya.

"Fiance ni Bart." Tumalikod ako sa kanya. Papaakyat na sana ako sa aking silid pagkat sobrang pagod na ang aking nararamdaman nang masalita siyang muli.

"At inimbitahan mo silang dalawang mag-dinner kasama ka? Wow! I never thought you are that kind of girl. Natiis mo iyon?!" Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Marvin, you're family didn't know are in my gouse today, right?"

"Wala pa akong pinagsabihan. In fact balak ko palang tawagan si Mommy mamaya pagkauwi ko ng condo." Sabi pa niya.

"Good. So walang makakapag-lead sa akin kung i-salvage kita ngayon dito?" Seryosong sabi ko. Bukod kasi sa wala ng enerhiya ang katawan ko ay pikon na pikon na talaga ako sa mga pinagsasasabi niya. Walang pa sigurong segundo ang lumipas nang marinig kong bumukas ang pinto at muli itong sumara. Umalis na rin ang makulit na iyon. Kailangan lang pala ng tamang pananakot.

Pakiramdam ko ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay sa sobrang pagkahapo at pagod. Mabilis akong nagayos ng sarili at nahiga na pero magiisang oras na akong nakahiga pero hindi ko parin magawang makatulog.

Gustong-gusto kong sabihin kay Bartholomew ang lahat-lahat kanina pero hindi ko nagawa. Naisip ko kasi kung gagawin ko iyo ay pano naman si Steffi at ang bata sa sinapupunan niya. I can say that she was a really nice girl. Nakabait niya sa amin ng anak ko kaya siguro hindi ko magawang maging makasarili.

Hindi ko naisip pa ang mga anak ko nang mga oras na iyon, lalo ng ang kambal. Instead, sinabi ko na lang kung anong nararamdaman ko para sa tunay na ama ng mga bata. Pero gaya ng inaasahan, medyo mahina talaga ang ulo ni Bart. Sino pa bang maaring maging ama ng mga bata kung hindi siya?

Hindi ko na namalayang pero tuloy-tuloy na ang ang pagtulo ng luha ko dahilan para mabasa ng husto ang pillow case ko. Tumayo ako para palitan iyon. Kay tagal na nang umiyak ako nang ganito. Ngayon na lang ulit. Mabilis ko namang napalitan ang punda ng unan ko at pahiga na sana ako nang tawagin ako ni RJ. She's still awake.

My Third Generation BMW (R-16) COMPLETEDWhere stories live. Discover now