CHAPTER 12. TROUBLE

22.8K 759 114
                                    

CHAPTER 12. Trouble

KHALI‘S POV

Mula nang malaman ko ‘yung tamang daan papunta sa Marvel High ay dito na ako sa back gate dumadaan dahil mas malapit. Kaysa sa front gate na kailangan ko pa lakarin ang buong school bago ko marating.

Saka mas malapit rin ang Sapph dito kaysa sa harap.

Pagpasok ko sa gate ay naningkit agad ang mga mata ko dahil nakatingin sa‘kin ‘yung mga students sa malapit. Hindi lang basta tingin, kundi masamang tingin.

May mga nagbubulungan pa, tapos tinuturo ako. Ang iba pa nga ay ini-irapan ako.

What did I just do again?

May kasalanan na naman ba ako na hindi ko matandaan? O dahil na naman sa Hari na ito?

Habang naglalakad ako sa gitna ng oval, papunta sa Sapph, may napansin akong mabilis at lumilipad na bagay papunta sa‘kin.

I tilted my head a little to dodge it habang patuloy parin sa paglalakad. Nakita ko ang isang bola na lumagpas sa akin.

Ang aga naman yata mag-practice ng women‘s soccer team?

“Hoy!”

“HEY YOU!”

“How dare you!”

I, once again, felt a presence behind me, so, I turned around and caught the ball effortlessly.

I looked at the players with a bored look. They look mad for some reason.

Ano na namang problema ng mga ‘to?

Hinagis ko yung bola at tumalikod na sa kanila. Pero naramdaman kong tumakbo ang isa palapit sa‘kin at sinunggaban ako ng suntok.

Inilag ko ng konti ang ulo ko kaya hindi niya tinamaan. I quickly grabbed her arm and used force to lift her then threw her over my shoulder as I bend down. Binalibag ko siya sa madamong sahig.

Pinulot ko ang salamin ko bago tumayo.

She‘s light. Is she even eating?

She grunted in pain even more as I walk over her body.

Shit. I forgot... I shouldn‘t be getting involve into any ruckus.

Bigla kong naalala ‘yung sinabi ni Brook...

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko nang may sumugod na naman mula sa likod ko habang naglalakad ako.

Umikot ako kasabay ng pagtaas ng paa ko para sumipa. Tinamaan ko ang tagiliran ng isa pang babaeng sumugod. Bahagya itong tumilapon sa damuhan at hindi na muling tumayo pa. She screamed due to the pain.

She doesn‘t have to worry because I held my strength back to avoid breaking her ribs.

This is self-defense, right? Protecting myself doesn‘t mean I‘m going against Izu, right?

Fortunately, tumigil na sila sa pagsugod, kaya nakapaglakad na ako ng matiwasay.

Nang medyo malapit na ako sa Sapph, may grupo naman ng kalalakihang humarang sa daan ko, mahigit kumulang trenta sila.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now