CHAPTER 78. BITE THE BULLET

16.2K 444 75
                                    

A/N: Ipapaalala ko lang ang sinabi ko sa first part ng librong ito, na ang librong ito ay naka-focus sa subtitle niyang Love and Misadventures. Baka kasi may umaasa sa gang war. lol.

×××

CHAPTER 78. Bite the Bullet

THIRD PERSON POV

Nagising ang binata nang may maramdaman siyang sumakal sa kaniya. Pagmulat niya ay bumungad ang malamig na mata ni Khali habang nakatutok naman sa kaniyang leeg ang napakatalim na bagay na hawak nito.

Hindi gumalaw si Brent sa pag-aalalang itarak niya agad ang matulis na bagay sa leeg niya kapag may ginawa siyang walang pakundangan. At saka wala rin siyang pagkakataon na gawin iyon dahil dinaganan nito ng tuhod ang magkabilang braso niya.

“Easy...” ang tanging sambit ni Brent.

How did she get in?

“Who are you?” tanong ni Khali sa binata.

That should be my line! She just barged in and threatened my life!

“What do you mean?” pagmamaang-maangan ni Brent.

Napapikit si Brent nang lalo pang ilapit ni Khali ang patalim sa leeg nito.

“Release me and let‘s talk.”

“Try anything stupid and I‘ll kill you...” banta ni Khali bago niya ilayo ang patalim sa leeg ni Brent.

Patayo na ito nang makakuha ng tyempo si Brent para hawakan siya sa balikat at kanang braso para itulak sa dingding.

“Anong kailangan mo?” mariing tanong ni Brent.

Ngunit ilang sandali lang rin nang makaramdam ito ng kirot sa baba ng mata. Hindi niya namalayan na nasugatan na pala siya ni Khali doon.

“Next time, I‘ll gauge your eyeballs out right away...” walang emosyong banta ni Khali.

Bumuntong-hininga si Brent at binitawan si Khali, isang senyales ng pagsuko.

“You are one of the Jokers, aren‘t you?” tanong ng dalaga.

“I was one of them.”

*♤♡*

KHALI‘S POV

“How did you find out?” tanong niya na puno ng kuryosidad.

That he was somehow involved in this mess? My intuitions never failed me so far.

Alam kong may nalalaman ang lalaking ito nang iligtas niya ako sa mga nagtangkang dumakip sa akin.

Nung nasalubong namin ang SSC President sa daan, may naramdaman akong kakaiba sa pagitan nila. It feels like it wasn‘t their first time seeing each other.

Well, naisip ko na ring baka nagkita na sila noon dahil sa Interhigh. But the tension between them felt odd.

I had doubts. Pero isinantabi ko iyon dahil normal na sa akin na maging mapanghinala sa mga taong hindi ko lubos kakilala.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now