CHAPTER 43. MEMENTO

19K 579 61
                                    

CHAPTER 43. Memento

KHALI‘S POV

Ang init. Sobrang init. Gusto kong bumalik sa Alaska...

Tapos gusto pa nina Jaemin ay maglakad-lakad kami at maglibot. There‘s no freaking way I‘m walking around under this scorching heat of the sun just for fun. -__-

Nasaan na ba kasi ‘yung ice cream na ‘yun?

I placed my hand over my forehead to block the sunlight since I feel like my face is about to burn already. Hindi ko rin masyadong makita ang dinaraanan ko dahil sa sinag ng araw.

Nahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa aking isang lalaki.

He flashed a wide smile at me but I can‘t recognize him so I ignored him but he blocked my way for the second time. He gave me a confident flirty smirk this time.

“Hi, beautiful... I‘m Derrick!” he said with hand offered to me.

Is he expecting me to touch that filthy hand of his for no good reason?

Itataboy ko na sana siya nang biglang may marahas na tumanggap sa kamay niya mula sa likuran ko kasabay ng isang yakap sa bandang leeg ko.

“Hi, Dickhead. I‘m Trevor.” mariing wika nito.

Binawi ng lalaki ang kamay niya ngunit hindi ito makapalag sa hawak ni Kangaroo. Parang lalo pa nga yata niyang hinigpitan kaya nalulukot na ang mukha ng lalaki dahil sa sakit at inis.

Hinawakan ko si Kangaroo sa braso para awatin. Mabuti nalang at binitawan niya naman agad ang lalaki. Mamaya magkaroon pa ng gulo eh.

At ayun, tumakbo na siya kaagad.

Dapat sa mga taong kagaya ni Kangaroo hindi namamasyal eh. Di marunong makihalubilo.

“I‘ve been looking for you.” he said.

He was still hugging me from the back. So, I elbowed him to get him off me. Masyado niya nang na-enjoy eh.

Hinarap niya ako at mahina siyang napamura.

“Damn, you‘re so red...” he muttered while gently rubbing my cheeks.

“Did you apply a sunblock?” he asked in a furrowed brows.

I nodded as a response.

Lumapit ulit siya sa akin para gawing pantakip sa araw ‘yung katawan niya kaya this time sinikmuraan ko na siya.

Parang hindi naman siya gaano nasaktan dahil ang tigas ng tiyan niya. Sana pala sa mukha ko nalang sinuntok. -__-

“I want ice cream.” bagot kong wika.

“Let‘s go have some ice cream then...” mahinahon niyang wika.

Lumakad na kami. Napansin ko na sa opposite direction niya ako dinala. Kaya pala di ko mahanap ‘yung ice cream kasi maling daan.

Then bigla niya akong inakbayan, tapos sinilungan niya ulit ang mukha ko gamit ang kamay. Magagalit na sana ako dahil ang init na nga, lapit pa siya nang lapit sa akin. Pero wala na yata ako sa mood.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now