CHAPTER 76. OPERATION: BREAK THEIR BONES

17.1K 466 148
                                    

CHAPTER 76. Operation: Break their bones

THIRD PERSON POV

Halos mapatalon sa gulat si Jaeshin nang may humawak sa braso niya. Kinilabutan siya dahil akala niya ay kung anong nilalang na ang humawak sa kaniya. Ngunit paglingon niya dito ay nakita ang kamay ni Harold na nakahawak dito.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla dahil sa wakas ay gising na ang kaibigan nila.

Pipindutin sana ni Jaeshin ang button para alarmahin ang mga nars at doctor na nag-aasikaso sa kaniya ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Harold para pigilan.

Lalo pa itong nagtaka nang ilagay niya ang hintuturo sa bibig na parang nagpapahiwatig ng pagtahimik.

Mabilis na dinampot ni Harold ang memo pad at ballpen sa bedside table at nagsulat. Ipinakita niya kay Jaeshin ang mensahe.

I have something important to say. My room is bugged, help me transfer into another room.

Nakaramdam siya ng kakaiba at sa palagay niya ay isang seryosong bagay ito kaya tumango si Jaeshin bilang sagot at mabilis na umaksyon.

*♡♤*

Nakaratay si Harold sa kama habang maraming nakakabit na aparato sa kaniya sa loob ng bagong kwarto.

Pumasok ang isang lalaki at tahimik itong lumapit sa tabi ng hinihigaan ni Harold. Ngumisi ang lalaki at sinandal ang mga kamay sa dulo ng kama at inilapit ang bibig sa tainga ng nakaratay na binata.

“Do you have any last words?” saad nito. Ngunit lalong lumawak ang ngisi niya nang wala siyang matanggap na sagot. “Oh, of course you can‘t... poor Harold. Hindi ka sana nakaratay dito na parang lantay gulay kung sumama ka sa akin...”

Inilayo ng lalaki ang bibig niya at tumayo siya ng matuwid.

Dinampot nito ang unan sa sofa sa gilid niya at muling lumapit kay Harold. Itinapat nito ang unan sa mukha ng binata at muling ngumisi.

“Good bye.”

Akmang itatakip na sana ng lalaki ang unan sa binata ngunit nagulat nalang nang biglang gumalaw ang mga kamay nito at hinawakan ang pulsuhan niya para pigilan siya sa binabalak niya.

Nanlaki ang mga mata niya at nataranta. Umatras ito at hindi niya inaasahan na paglingon niya sa likuran ay nakaabang na sa kaniya ang kamao ni Jaeshin Park.

Nagising ang misteryosong lalaki ngunit nanlalabo pa rin ang paningin niya dahil sa pagkahilo. Naaninag niya ang nag-iisang bumbilya na nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar kung nasaan siya. Nilibot niya ang paningin ngunit wala siyang makita.

Nagsisigaw ang lalaki ngunit tila walang silbi iyon dahil pakiramdam niya ay walang makakarinig sa kaniya.

“AAAAAaAAAHR!—” natigilan siya nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto sa harap niya.

Lalo pa nang iluwa nito ang tatlong miyembro ng pinakakinakatakutang gang sa siyudad habang matiim na nakatitig sa kaniya. Kasunod lamang nito ang taong inakala niyang nasa ilalim pa ng comatose state.

“No one will hear you even if you scream until your vocal chords pluck out.” nanggagalaiting sambit ni Kevin.

Nataranta ang lalaki at pinipilit na makatakas sa pagkakatali sa kaniya sa inuupuan niya o kaya nama‘y lumayo sakanila ngunit nabigo lamang siya.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon