CHAPTER 77. SURPRISE

15.6K 445 88
                                    

CHAPTER 77. Surprise

KEVIN‘S POV

I could hear Kianna‘s heavy breathing. If I could just hold her hand to ease her fright ay kanina ko pa sana ginawa. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko kung ayaw kong pumalpak kami dito.

Pumasok kami sa malaking pintuan ng mansion habang nakasunod ang ilang nakaitim na suit sa amin. Bumigat ang tension nang may makasalubong akong nakasuot ng maskara na kamukha ng suot ko.

Joker.

Mahaba ang buhok niya kaya sa tingin ko ay babae ang nasa likod nito.

“Ang tagal niyo. Kanina pa kayo hinihintay ni Zero!” inis na sambit nito.

Hindi ako sumagot dahil sigurado akong masisira ang plano namin kapag narinig niya ang boses ko, malalaman niyang hindi ako ang kasamahan nila. Kaya matapos niyang magsalita ay nagsimula na ulit akong maglakad ngunit natigilan ako nang magsalita ulit ‘yung babae.

“Wait...”

Nagbubutil na ang pawis ko sa kaba. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

“Tapos mo na ba ‘yung pinapagawa ni Zero sa‘yo?” tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya saka tumango bilang sagot. Nagpameywang ito at nakatingin ng matiim sa akin.

“Stop acting like a chic. Masyado kang snob. Huwag kang mag-alala, hindi kita type.” sabi niya. Hindi ko siya sinagot at tinalikuran nalang ulit.

I somehow agree with this girl, minsan kasi suplado talaga si Kyle sa ibang babae-na hindi niya type.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang lingunin si Kianna. He kept biting her lower lip and playing with her fingers. She must be really nervous and scared.

“Teka...” muli kaming natigilan nang magsalita ulit ‘yung babae.

Tangina! Kanina pa ako nine-nerbyos sa babaeng ‘to ah?! Akala ko pa naman umalis na! Nyeta.

“Hindi diyan ang daan.” seryosong saad nito.

Ptangina. Muli ko siyang nilingon at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Sinapak niya ako, guys! Sinapak niya agad ako. Tangina.

Kahit suot ko ‘yung maskara ramdam ko ‘yung bigat ng suntok niya. Dahil rin dito, natanggal ang suot kong maskara. Nanatili akong nakayuko para itago ang mukha ko. Akmang pupulutin ko na ang maskara nang biglang magsalita ang babaeng Joker.

“K-Kevin Jung?” gulat na tanong nito.

Shit!

“Kevin?” sambit ni Kianna na kapwa gulat rin.

Tila natulala ang babae kaya naman nagtangka akong samantalahin ang pagkakataong ito na lapitan siya ngunit bigla niya akong sinipa sa dibdib, agad ko namang nasangga ito gamit ang kamay.

“I got in.” sambit ni Thelo mula sa kabilang linya.

Ngumisi ako. So, I don‘t have to hold back anymore, do I? Too bad, I‘m facing a lady.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now