CHAPTER 22. THE QUEEN

21.9K 675 222
                                    

CHAPTER 22. The Queen

KHALI‘S POV

Nilingon ko si Jaemin nang puno ng pagtataka nang bigla niya akong paluin sa braso.

She pointed at the gate and as I look at that direction, may natanaw akong dalawang homo sapien na nakatayo doon.

Nang mapansin nila kami ay kumaway ang isa sa amin habang ang isa nama‘y nanatiling nakapamulsa.

Anong ginawa ng dalawang dragon sa gate ng ganito kaaga? Ang aga nila manira ng araw ah.

“Good morning!” bati ni Kevin nang makalapit kami.

Hindi ko alam pero parang nakakaasar ‘yung pag bati niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Samantalang si Jaemin ay binati rin sila pabalik.

Hindi na ako nagtaka nang makita kong ang daming babae sa malapit sa gate, nagkukunwaring nakatambay pero sigurado akong nakaabang lang sila sa dalawang ‘to.

I gave them a side glance as they start to walk alongside us.

Ano na namang trip ng mga ‘to?

“I won‘t run from you, so rest assured.” I said without turning at them.

Hindi pa kasi niya sabihin kung anong kailangan o gusto niyang ipagawa sa akin para maging quits na kami.

Nakakairita na. Lalo‘t laging ganito ang senaryo kapag may kasama kaming dragon: masasamang tingin, bulungan tungkol sa amin, at syempre ang tilian.

I couldn‘t care less but it‘s just really irritating. Maingay masyado.

Mabuti nalang sa ngayon ay hindi sila tumitili. Siguro dahil nandito ‘yung iritable nilang hari?

“Just what the hell are yo—” magsasalita palang sana ang Hari nang tapikin siya ni Kevin Jung.

“‘Yung bilin ko, ‘tol!” aniya. “Calm down!” he chuckled.

“Damn it...” bulong lang ni Kingkong—este, King Trevor.

Binilisan ko ang paglalakad dahil ayokong makita na kasabay ko sila maglakad, ang kaso ang bagal ni Jaemin.

Nilingon ko si Kang sa gilid ko. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Buti naman tahimik siya ngayon...

“Lili! Grabe ang gwapo ni King...” Jaemin whispered and giggled silently.

“Grabe ang lapit niya, ang gwapo niya sobra!” dagdag pa nito.

“Lili, tingnan mo...”

“Akala ko ba si Alexander ang gusto mo?” bagot kong tanong. Kanina pa kasi siya eh.

Bahagyang umawang ang bibig nito saka napatingin sa dalawa. Her face turned red.

I saw from my peripheral vision how the two dragons turned to us as they hear their friend‘s name. I heard a chuckle from Kevin.

Ah, napalakas ba boses ko? My bad. -__-

“Lili naman eh!” Jaemin hissed. Hinampas niya ako sa braso.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now