CHAPTER 51. MEN IN BLACK

18.6K 519 71
                                    

CHAPTER 51. Men in Black

THIRD PERSON POV

Isinara ni Jaemin ang folder nang matapos niyang gawin ang kaniyang ginagawa. Itinaas niya ang kamay at inilapat sa dibdib upang hawakan ang kwintas na regalo ng mama niya noon. Sa tuwing hawak niya ito ay parang isang mahika na nagpapagaan ng loob niya.

Ngunit laking gulat niya nang hindi niya ito makapa sa dibdib.

Nang tingnan niya ay wala talaga ito! Wala na sa leeg niya ang kwintas!

Bakit ngayon lang niya napansin? Masyadong naging okupado ang isip niya na hindi na niya napansin ang kwintas sa leeg.

Pinilit niyang inalala kung saan niya maaaring nahulog ito ngunit wala siyang ibang maisip kundi ang tagpo kanina.

“I must‘ve drop it that time!”

Wala sa sariling naglalakad si Jaemin sa gitna ng corridor ng Sapph habang kinakapa ang pendant ng kwintas niya.

Hindi maalis sa isip niya ang nangyari kay Xander. Kung marunong lang sana siyang makipaglaban, edi sana natulungan niya pa ito.

Hindi napansin ni Jaemin ang babae sa harap at nagkabanggaan sila. Malakas ang banggaan na halos mapaupo sa sahig si Jaemin.

Mabilis na humingi ng tawad si Jaemin sa babae ngunit hindi umimik ito.

Nang tumingala si Jaemin ay napansin nito ang agaw-pansing hairstyle nito na mataas na pigtails.

“I‘m sorry, Jaemin. Here, hold my hand.” a ng babaeng nakabanggan niya—ang SSC Secretary.

Walang pag-aalinlangan namang tinanggap ni Jaemin ang kamay nito.

“Thanks, Chelsea.” ngumiti si Jaemin at nagpaalam na.

“Aish. Napakatanga ko talaga.” bulong ni Jaemin sa sarili. “‘Yun nalang ang natitirang alala ni mommy sa akin, hindi ko pwedeng mawala ‘yun!”

Tumingin siya sa natutulog na Xander. “Babalik ako agad.” a niya bago lumabas sa ospital.

Napansin niya rin na gabi na pala kaya madilim nasa paligid. Malamang ay madilim na rin sa Marvel High.

Takot ito sa dilim kaya napagpasyahan niya na tumawag ng kaibigan. Ayaw niya na si Khali dahil malamang ay pagagalitan lang siya nito, kaya naman si Kevin nalang ang isa sa tinawagan niya. Hindi naman nagdalawang isip ang binata at pumunta agad siya.

“Sigurado ka bang dito mo nawala?” tanong ni Kevin.

“Oo.”

Meanwhile, Kianna was deep in thought under the shower while thinking about her interaction with Kevin this morning.

Pagkatapos niyang mag-shower ay lumabas agad siya sa bathroom at ang cellphone agad niya ang unang dinampot. Nakita niya ang missed calls ni Jaemin at text.

Hala! Baka pumunta mag-isa ‘yun!

Dali-dali siyang nagbihis at nagtungo sa Marvel High. Habang naglalakad ito ay nakatutok sa daanan niya ang nakabukas na flashlight ng cellphone niya.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now