CHAPTER 52. INTERHIGH

19.3K 539 109
                                    

A/N: Hindi ito kagaya ng mga napapanood/inaakala niyong Interhigh. Pero sports tournament pa rin siya. This is inspired from the sports genre Animes that I‘ve watched so far. Enjoy reading, royalties~

×××

CHAPTER 52. Interhigh

THIRD PERSON POV

Dumating na nga ang pinakahihintay ng karamihan—ang Interhigh. Isang paligsahan sa larangan ng sports na kung saan naghaharap-harap ang mga kinatawan ng bawat high school sa buong siyudad para sa overall championship title na siyang ginaganap taon-taon.

Bagaman halos lahat ng kabataan sa lugar na ito ay kilala dahil sa hilig nila sa gulo, pagiging rebelde o ano pa mang aktibidad na ginagamitan ng dahas—ang tanging dahilan kaya sila sumasali sa mga ganitong patimpalak ay para patunayan ang sarili nila sa lahat, na kahit ano ay kaya nilang makuha.

Dahil sa Lungsod ng Tenebrés, pagiging malakas, magaling, mataas o sa madaling salita ay pagiging numero uno sa ano mang larangan ang pinakamahalaga.

Bukod sa pinakamandang paaralan sa buong siyudad, napili ang Marvel High na ganapan ng mga ganitong kompetisyon dahil kumpleto ang kagamitan at maganda ang mga lugar na gaganapan ng laro.

Malaya ang mga mag-aaral galing sa ibang paaralan na pumasok dito upang makinood at suportahan ang kani-kanilang kampo.

Maraming dumalo upang manood ng preliminaries ng ilan sa mga sports na gaganapin sa ngayon. Majority na ang gustong manood ng volleyball at basketball. Habang mangilan-ngilan lang ang gustong manood ng ibang sports na naisabay sa oras ng nasabing laro.

Six o‘clock palang ng umaga ay naghanda na si Jaemin at Kevin papunta sa Marvel High. Kahit pa nag-aalala si Jaemin kay Alexander ay may kailangan pa rin siyang gawing trabaho bilang SSC Vice-President sa kanilang paaralan.

Samantalang ang isa nilang kasama sa bahay ay hindi mahagilap ng dalawa. Kaya hinayaan nalang nila ito dahil akala nila ay nauna na sa school dahil isa siyang varsity. Ngunit ang totoo ay nagtatago si Khali dahil naisip niya na tiyak ay pipilitin siya ni Jaemin na um-attend sa laro kahit ayaw niya.

Mamaya pa ang laro ng basketball player na si Kevin ngunit gumising siya ng maaga upang ihatid si Jaemin. At saka may ceremony, kailangan niyang um-attend kung hindi ay lagot siya sa coach nila.

Nabigla si Jaemin nang bigla siyang akbayan ni Kevin. “Nasanay na ako maglakad. Bakit walang sasakyan dun sa bahay?” tanong nito.

“Malamang hindi pinayagan ng kuya ni Lili. Medyo pasaway kasi ‘to. Ginagawa niya anumang gustuhin niya.”

“Asar na asar rin siguro sa kaniya ‘yung kuya niya.” sagot ng binata saka sila nagtawanan.

Mabilis namang naging magkasundo ang dalawa. Madali lang naman kasing makasundo si Kevin dahil sa personality niya. Mabait ito at palabiro.

Pagdating nila sa school ay marami-rami nang tao. Naririnig na rin nila ang master of ceremonies na ipinakikilala ang bawat eskwelahan. Madali lang makilala at malaman kung anong school galing ang mga bisita dahil sa uniformed t-shirt nila na may pangalan at logo ng kanilang school.

Ang mga mata nila ay napako na naman kay Kevin, masama naman ang tingin na ipinukol nila kay Jaemin dahil kasama niya ito at naka-akbay pa sa kaniya. Inalis agad ng dalaga ang braso nito sa balikat. Muntik na niyang makalimutan na isa palang kilalang tao ang kasama niya.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now