CHAPTER 64. TEARS

18.8K 505 54
                                    

CHAPTER 64. Tears

JAEMIN‘S POV

Sabi ni Xander ay huwag muna raw akong pumasok kahit ilang araw lang. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero kailangan ko siyang tanggihan. Marami pa akong aasikasuhin, malapit na rin kasi ang school festival.

Maging si Lili ay nagiging protective. Hindi man niya sabihin ay napapansin ko. Pati sa CR ay sinasamahan niya ako!

Maya-maya nagtaka ako nang tumayo si Lili at lumabas ng library kung saan kami nags-stay ngayon.

Hindi manlang nagpaalam! Hmp!

Ilang sandali lang ay may pumasok ulit sa pinto, akala ko si Lili na pero si Xander pala! Ngumiti siya habang palapit at ngumiti naman ako pabalik.

“Magpapalipas kana naman ba ng gutom?” tanong niya.

Tumingin ako sa relo ko... hala! Past twelve na pala!

“Uhm, kumain kana ba?” tanong ko.

“Hindi pa. Hinahanap kasi kita. Gusto ko sabay tayo.” he smiled.

OMG. Did I heard it right?

It feels like my whole system somersaulted. Iba pala ‘yung pakiramdam pag alam mong may gusto rin sa‘yo ang taong gusto mo at sinasabihan ka ng mga ganitong salita.

Parang wala ka nang ibang mararamdaman such as doubts kundi happiness nalang kasi alam mo sa sarili mong hindi misunderstanding ang interpretation mo sa sinabi niya, kasi umamin na siyang gusto ka niya.

Bahagya akong tumawa, “Let‘s go?”

He smilingly nodded. He asked for my hands and I gladly gave it. We went downstairs holding each other‘s hands.

People were watching but I didn‘t care for the first time... because I know that he is on my side. I smiled on the thought.

His hand is warm...

He pulled a chair for me as soon as we got on the vacant table. He sat on the chair across mine. Maya-maya lumingon siya sa counter tapos tinaas ang kamay. May lumapit na crew at tinanong ang gusto namin. He told her what‘s his after I told the crew my order.

“Alam mo ba kung nasan si Lili?” tanong ko.

He shook his head, “Why?”

“Iniwan niya kasi ako bigla sa library.” I pouted.

Tumawa naman siya, “She told me to look after you, tho.” he said. “Nakasalubong ko siya kanina.”

Tumango-tango ako.

“She cares for you so much. Nagseselos nga si Trev sa‘yo, eh.” natatawa niyang saad.

Eh? Si Trevor? Si Lili naman kasi kung makabantay sa‘kin para akong kindergarten!

“Ako lang kasi ang kaibigan ni Lili. So, sa‘kin siguro lahat napupunta ang care niya.” sagot ko bago tumawa.

And she promised me something...

But now, she has a lot of us now. Hindi nalang ako ‘yung kaibigan niya. And I can see that she cares about them, too.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon