CHAPTER 16. SUDDENLY

21.1K 670 69
                                    

CHAPTER 16. Suddenly

KHALI‘S POV

Nagising ako nang may maramdaman akong presensiya sa gilid ko. Tumambad sa akin ang mukha ng isang Marvelian. Ang tangkad niya.

Lumuhod ang kanang tuhod niya sa semento kaya mas lumapit ang mukha niya sa akin at mas napagmasdan ko ang itsura niya.

Maputi at may malalim na mata, matangos ang ilong, medyo magulo ang buhok at nakasabit sa balikat niya ang kaniyang coat.

Gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi saka tinaas ang kanang kamay para kumaway.

“Hi.” walang-buhay na tono nito sa pagbati. “Kanina ka pa hinahanap ni Sir Aquino.” dagdag niya.

Sir Aquino? Our PE teacher. Bakit niya ako hinahanap?

Saka paano ako nahanap ng lalaking ‘to dito? Tss. Creep.

Tinignan ko ang screen ng phone ko at nakitang 2:34 pm na pala. Ang bilis ng oras.

Hindi naman na ako required pumasok doon dahil tapos na ang laro namin. Kaya bakit niya ako hinahanap? Akala ko ba pwedeng hindi na um-attend ngayon? Tss.

“Bakit daw?”

“You will know if you come.” ngumisi siya. “You should change your clothes first.”

Kahit nagtataka ako ay lumakad na ako papunta sa Pearl para magpalit ng PE uniform.

Hinintay pa talaga ako ng lalaki kanina dahil nadatnan ko pa siyang naghihintay sa labas ng girl‘s locker room.

“Just making sure that you‘ll come to the gym unscathed.” aniya na tila ba nahulaan ang nais kong itanong sa kaniya.

Nagkibit-balikat nalang ako at nag-umpisa nang maglakad. Sabay kaming pumunta sa gym.

Dumoble yata ang dami ng estudyanteng nanonood kumpara last time. Tapos sobrang ingay, nagtitilian, pero wala pa namang naglalaro sa court.

Nakita kong may net sa gitna. Volleyball kaya ang lalaruin ngayon?

Mabuti nalang at exempted ako, hindi kasi ako marunong niyan.

“See you.” pagpapaalam ng lalaki.

Tumango ako ng isang beses bago kami nag kaniya-kaniyang direksiyon.

Sino kaya ‘yun? At bakit kailangan niya akong bantayan para masigurong hindi ako masasaktan like what he said so?

Marvel High is full of weird people, just like their royalties—Four Dragons.

Habang palapit ako sa grupo ng 4-Bs, nakita kong patakbo akong sinalubong nina Erin, Kianna at Jaemin.

“Oh my god! Akala ko na-salvage kana sa kung saan diyan! Bigla-bigla kang nawawala!” sigaw ni Kianna.

“Khali talaga...” Erin said.

“Don‘t overreact.” Ni hindi nga nila ako napansin na umalis dahil busy sila sa pagpapa-cute—pakikipag-usap sa mga dragon kanina.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now