CHAPTER 13. BLACK ORDER

21.3K 718 41
                                    

CHAPTER 13. Black Order

KIANNA‘S POV

Nang lumabas si Prince Kevin ay mabilis na bumalik sa dating ingay ang klase namin. Dali-dali kong nilapitan si Khali at kinamusta ito.

“Khali, are you okay?! Are you hurt somewhere?!”

“I‘m alright.” tipid na sagot nito.

Napaka-kalmado niya at tila wala siyang ideya sa nangyayari.

“Wait may ipapakita ako!” sabi ko.

Napa-upo ito nang matuwid nang makita ang nasa phone screen ko.

“Is that the reason why those brats were picking on me?” hindi makapaniwala nitong tanong.

“Alam mo, hindi lang sila basta-basta nagagalit dahil kasama mo si King sa picture! Ina-assume nila na ikaw ang naka-injure kay King.” paliwanag ko.

“So what? Sila ba ‘yung na-injure ko?” she answered.

“Khali, hindi mo kasi naiintindihan! Maraming kaaway ang mga students ng Marvel High. Mawala lang si King dito sa school ground ay nagkakaroon ng kaguluhan. Ngayon pa kayang na-injure siya? Maglalabasan ang gustong makuha ang trono niya bilang King, o kaya naman ay gamiting advantage ito ng mga may galit sa kaniya. His life is in danger. Hindi lang siya pati ang Marvelians. Kaya nagagalit sila sa gumawa nun kay King.” pagpapaliwanag ko.

Hindi lang siya sa Gangster Society King, kundi pati na rin sa Marvel High. If the King‘s life is in stake, so as his possessions, underlings and state.

“Lame.” that‘s what Khali replied.

I‘m saying this for the nth time, but this girl is really something!

Ang haba ba naman ng explanation ko tapos lame lang ang sagot?!

“Hindi malala ang natamo niya, okay? His arm was just swollen. Don‘t overreact.” matabang niyang wika.

Parang nakahinga pa ako ng maluwag, pati rin sina Kate na nakikinig sa usapan namin.

“Believe in your King. If he lose a battle because of an injured arm, then he must be dethroned, he‘s a weak King.” she added.

May point naman si Khali doon. Siguro nga‘y nag-overreact lang ang Marvelians.

“Ang kapal din ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo kay King, hah?!” rinig kong sigaw ng babaeng pumasok sa classroom namin. Si Hannah lang pala!

“I saw you! You kicked Prince Kevin, right?! Kaya siya ang nabuhusan nung trap. It was for you sana eh!” maarteng sabi ng alipores ni Hannah sa likod ko na mabilis kong nilingon.

“Tumigil nga kayo! ‘Wag niyong pagtulungan si Khali mga bullfrogs. Shoo! Shoo!” mataray kong pagsasalita.

“Don‘t sali nga dito, Hurtle. Are you gonna kampi the girl who hurt our King?”

Ilang sandali muna bago ako nakasagot, “Ano? Tngina, wag mo nga akong kausapin!” dudugo yata utak ko sa conyong to eh!

“Ayun! Dali pasukin niyo na!”

GANGSTER ROYALTIES: Love and Misadventuresजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें