CHAPTER 62. WARMTH

19K 536 87
                                    

CHAPTER 62. Warmth

KHALI‘S POV

Everything went back to normal. Crappy Monday morning, normal classes and noisy classmates.

Mukha namang naka-move on na ang iba sa Interhigh.

Bumalik ang Class President namin galing sa isang meeting matapos ang first period. Second period will be vacant since binigay ito sa‘min ng guro para pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na School Festival.

Another event! Ugh, waste of energy. Tsk.

Kahit pala hindi ordinaryo ang mga mag-aaral ng Marvel High ay patuloy pa rin nilang isinasagawa ang mga ganitong klase ng event. The Interhigh was quite successful although it ended up another riot.

Maybe it‘s really normal in Tenebrés... being weird I meant.

“So, napagpasyahan na nating Horror booth ang gagawin natin diba?” panimula ni Class Pres habang nakatayo sa harap. “Unfortunately, isa tayo sa mga hindi nakakuha ng room. I‘m sorry.”

She suddenly started to cry! She doesn‘t really have to be that emotional para lang sa isang booth.

Jeez. She reminds me of Jaemin.

“So, saan tayo?” tanong ng isa.

“Sa labas.” sagot naman nung lalaking Vice President yata.

“Ano ba yan! Edi magtatayo pa tayo ng booth niyan?”

“Imbes na decorations nalang kasi, eh!”

“Dagdag trabaho pa 'yan!”

Nagsimula nang mag-reklamo ‘yung mga classmates ko.

Kung sila kaya ‘yung naki-meeting at nakipag-unahan sa site, no? Most of people nowadays only know how to talk.

“I can let you use the gym—” Siniko ko si Kangaroo kaya napatigil siya. “What?” he irritatedly mouthed while eyeing me.

“You shouldn‘t use your power too much.” I replied.

Sinimangutan niya lamang ako at pinatong ang kamay sa likod ng upuan ko.

“Okay na ‘yan! Dami niyong reklamo!” kumento naman ni Kevin.

Sa isang iglap ay tumigil sila sa pagrereklamo.

Pagkatapos, nagsimula nang mag-assign ‘yung President sa mga gagawin, dadalhin at ipre-prepare namin.

We need to complete the props, costumes or what-so-ever na kailangan daw before the School fest, saka na ‘yung pagtatayo nung booth dahil malamang masisira o sisirain lang ng mga estupidyante ito.

Isa ring dahilan ito kung bakit sa dinami-dami ng rooms sa school na ito ay ilang room lang ang ipapagamit.

What do you expect from a school of delinquents?

Araw-araw tuloy kaming may ginagawa para sa aming booth. Bawat vacant ay hindi pinalalampas ng Class Rep!

Araw-araw ding may rasyon ng meryenda sa‘min galing sa hari.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now