CHAPTER 56. UNCONTROLLABLY FOND

19K 557 92
                                    

CHAPTER 56. Uncontrollably Fond

KHALI‘S POV

Lahat ng group sports ay double elimination kaya naman naging mabilis ito. Since we have no loses yet until now, isang panalo nalang at pasok na kami sa Finals.

We want to know which team we‘ll face next match that‘s why we‘re at this hellish gym again to watch.

I‘m rooting for the Primaries, by the way. Because I want to crush them one more time.

Ilang sandali lang din ay nagsi-posisyon na sila sa loob ng court. Habang isang member naman sa Westwood ay nasa labas at may hawak na bola. Malamang siya ang magse-serve ng unang bola.

“Uy! Volleyball player pala si Viper at Cyclone?” gulat na wika ng isang Marvelian malapit sa pwesto ko.

“Nah! They‘re just too bored in life as of the moment!”

I gave them a side glance and found out that it was Kenji and some of his teammates.

“Ayaw pa kasi bumalik nung lider naming nilamon na yata ng kadiliman.” biro niya pa.

Yeah, the princesses are inside of the court.

Kaya pala nandito sila nung nakaraan?

Like the other games of Primates—I mean, Primaries, everything went smoothly in the beginning of play. Hanggang sa mag-umpisa na naman silang tumarget ng opponents nila.

Lahat ng nanonood ng volleyball napa-“Ohhh” nalang ng dahil dito.

Nilapitan ang babae nang mga kasama niya tapos tinatapik-tapik ang pisngi pero di parin siya nagising.

Seriously? Why didn‘t she freaking dodge the ball? It ain‘t really that fast, is it? Just focus on it and you‘ll be able to dodge or even recieve it.

Pagkatapos ay may mga nagdala na ng stretcher at isinakay siya rito. Her body is weak. Pinalitan siya ng ibang player saka nagsimula ulit ang laro.

Lumalamang ang Westwood dahil kina Nami at Shenna.

Oh! Magaling naman pala sila maglaro nito.

Hindi kalaunan ay natapos din ang set at nagsimula ng panibago. Nagiging mas oppressive pa ang mga Primates.

Tss, may talent talaga sila dito. Halatang naiinis na rin si Nami at Shenna.

Hanggang sa sumubok patamaan ng isang Primary si Nami. She managed dodge it due to her fast reflexes. Pero hindi maitatago ang iritasyon ni Nami sa nangyari, at saktong pag pito ng referee ay bigla nalang siyang sumugod sa kabilang team saka tinadyakan ‘yung pinakamalapit sa kanya.

Heol! Pfft—Napaka pikunin talaga niya!

Pumito nang pumito ‘yung referee pero hindi nakinig si Nami tapos nagsi-sugod narin ‘yung mga taga-Westwood and boom, rumble ang kinalabasan.

Natigil lang nang umawat ‘yung mga personnel at ibang basketball players.

Ang mga manonood naman, imbes na kabahan o ano, eh nag-piyesta pa at pinagkaguluhan sila, parang masaya pa talaga silang may gulong nangyayari.

As a result of their actions, na-disqualified ang Westwood High volleyball team since sila ang nag-create ng gulo. While Primaries were given an hour before they start another match against the other branch of Wood High, which is the Eastwood High.

Hindi ko na mahihintay pa ito kaya lumabas na ako sa gym. Gonna watch other games... I‘m bored.

Sumunod naman si Kianna at Lime sa‘kin, while the others decided to stay at the gym.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now