Prologue

3K 66 3
                                    


"Nagawa niyo ba ang assignment na pinagawa ko sainyo? " tanong ng matandang teacher sa kanyang mga estudyanteng maliliit.

"Opo teacher! " masiglang sagot ng lahat pwera lamang sa isang babaeng bata na pangisi-ngisi. Naka-upo siya sa pinakadulo, nahahalataang pasaway.

"Ano nga ang assignment na pinagawa ko? "

Sabay-sabay na sumagot ang mga kyut na bata. "Ikwento ang pag-iibigan ni mama at papa! " satisfied na ngumiti ang matandang guro sa mga sagot nito.

Dahil araw ng pag-ibig, kailangan nilang mag-kwento sa harapan kung ano ang love story ng mga magulang nila.

"Sinong mauunang mag kwento sa harapan? "

Nagsitaasan ang lahat ng kamay. "Ako teacher! " sigaw ng isang matabang bata.

"Me teacher ! "

"Ako sir! "

"Ma'am! Ma'am! "

"Anong ma'am? Lalaki si teacher kaya sir dapat! "

Nalilito ang matandang guro dahil lahat ng kanyang mga estudyante ay sabik na sabik ikwento ang love story ng kanilang mga magulang. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang batang babae na naka-upo sa likuran. May iningunguya pa itong bubble gum kahit bawal.

Biglang tumayo ang batang babae at taas-noong naglakad papuntang harapan. Nagulat ang lahat pati na ang guro. Confident ang batang babae. May pinagmamanahan ang ugali.

Kumikintab ang suot nitong ID dahil natatamaan sa sinag ng araw na nanggaling sa labas.

Sakura.

Iyon ang pangalan niya.

"Ako ang mauunang mag kwento. For sure, magugustuhan niyo. "

Walang nagawa ang matandang guro at umupo na lamang sa pwesto. Ang lahat ng mga bata ay nakatingin ng seryoso sa batang babae.

Tumikhim pa ito bago simulan ang kwento.

*****

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

Warning: This is my very first story on Wattpad. I don't want to remove this story because it holds many memories for me. This wasn't intended to be a fanfiction, but I was going through a cringe phase in 2017 as a Kpop stan, thus a story about teenage love accidentally became a fanfiction. I apologize in advance for the numerous plot holes and grammatical errors. However, if you insist on reading this story, I will be grateful. 

Chapter 40 is still missing, I'm working on it.

Constructive criticism is still welcome.

E n j o y   r e a d i n g !

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon