Chapter 11 - Ignoring Xiam

483 23 0
                                    


Two days passed, medyo humupa na ang issue. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nina mama at kuya ang issue na yun, buti nalang din at walang nagsabe sa kanila.

And for the passed two days, hindi ko na kinakausap si Xiam. I've been avoiding him, sobrang hirap nga eh. Lalo na't nakaupo siya sa likuran ko. Nung isang time nga ay naging partner kami sa isang activity. Of course sobrang awkward. Kailangan naming mai-presenta sa harapan ang napili naming topic na idi-discuss.

Ayaw ko siyang kausapin sa takot na magpakalat na naman ng issue si Pinkdroplet. Kaya ang ginawa ko ay hinayaan nalang si Xiam ang gumawa ng aming powerpoint presentation at mag discuss sa topic.

Sobra nga akong kinabahan nang tanungin ako ng aming guro tungkol sa topic namin tapos hindi ko pa nabasa ang libro. Eh ayaw ko namang manghingi ng tulong kay Xiam kaya ang ginawa ko ay pinasa sa kanya ang question. Turns out, hindi rin niya na-gets ang dinidiscuss na topic!

Hindi naman siguro qualified bilang 'usap' ang pagpasa ng tanong diba?

Ah, bahala na.

Habang nag di-discuss ang aming English teacher, lumilipad na naman ang isipan ko. I still have no idea who the hell is pinkdroplet. Sa lahat ng babaeng kinakausap ni Xiam ay bakit ako pa ang napili niyang puntiryahin? Ang galing niya magpakalat ng issue. Aba, talented.

"Okay class, it's time to answer this activity! " napukaw ang aking atensyon nang marinig ang salitang 'activity.'

"Open the book on page 268 and answer all of it. Sasagutan niyo ito sa papel. Ma'am, paper ma'am? Yes, papel. " anunsyo pa ni ma'am. Alam niya talaga kung ano ang sasabihin namin.

"Ma'am, paper sasagutan diba? " tanong ni Xiam kahit obvious naman ang sagot. Nambubwesit talaga ang kumag.

Huminga ng malalim si ma'am, sinubukang pakalmahin ang sarili. "Yes Xiam, sa paper sasagutin. I want you guys to answer it within 20 minutes then iche-check natin to kaagad. "

Oh sheet, wala nga pala akong papel!

Ano ba 'yan, gucci ang bag ko tapos walang papel. Kahiya!

Nilingon ko ang aking seatmate na si Aya.

Teka—Aya nga ba ang pangalan niya?

"H-hi, seatmate! " bati ko sa kanya. Sobrang dami ng papel na dala niya, parang magtatayo na yata ng school supplies.

Dahan-dahang lumingon sakin si Aya, kumintab ang malaki niyang salamin. "P-pwede ba akong manghingi ng papel? Kahit isa lang hihi. " request ko.

Walang pag-aalinlangang kumuha siya ng napakadaming sheets ng papel. Ang sabi ko isa lang eh, nakakahiya naman.

"Naku, sobrang dami naman nito. Isa lang sinabe ko. " isasauli ko na sana ang ibang papel ngunit tumanggi siya.

"Sa'yo na 'yan, madami pa akong papel rito. " sabi niya sabay pakita ng napakadaming papel sa loob ng bag.

Eh kung ganun, sakin na 'to.

"Your name is Aya right? " tanong ko sa kanya. Hindi rin kasi ako sure.

She chuckled, "We're seatmates but you don't know my name. But yes tama ka, may name is Aya. Ayamuto Tagakari. "

Oh, a japanese student!

Honestly, ngayon lang talaga kami nakapag-usap ng ganito. Sobrang tahimik kasi niya, hindi mahilig makipag-usap. Tanging oo at hindi lang yata ang sinasabe ni Aya. But she's quite cheerful.

Hindi ko namamalayang nag sha-share na pala kami ng sagot.

After checking, we both got high score. Dalawa lang mali namin, si Aya lang kasi ang sumagot sa lahat.

Hate Is The New LoveWhere stories live. Discover now